Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ, Jela, Angeli nagmana sa alindog ng Viva Hot Babes

0 107

Inamin ng mga bida ng “Taya” at Viva’s Maximum Crush na sina AJ Raval, Angeli Khang, and Jela Cuenca na kahit paano ay naapektuhan din ang kanilang mental health because of the pandemic.

Pagtatapat ni Jela kahapon sa virtual mediacon, may pinagdadaanan daw siyang problema sa ngayon na hindi na niya idinetalye kung ano.

“Nagbi-breakdown talaga ako especially this time, ang daming dumating na problem sa akin, hindi lang about sa showbiz, also in my personal life.

“Siyempre, hindi naman maiwasang dadating ang mga problema lalo na ngayong pandemic,” ani Jela.

Pero pinipilit daw naman niya itong kayanin dahil alam daw niyang pagsubok lang ito ni God.

Ayon naman kay Angeli, nagkaroon daw siya ng anxiety na hindi na niya sinabi kung bakit. Iniisip na lang daw niya na hindi niya talaga mapi-please ang lahat ng tao.

“Just be yourself, as long as wala kang tinatapakan, good na ‘yun,” sey ni Angeli.

Ang nakaapekto naman daw kay AJ ay ang mga hindi magagandang sinasabi sa kanya ng mga tao lalo na nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“Naka-receive po ako ng mga hindi magagandang komento galing sa mga tao. Inaatake po nila ‘yung appearance ko. Naapektuhan po ako sa mga sinabi nila. Nagi-start pa lang po ako that time pero parang gusto ko na rin po umayaw.

“Pero ngayon po, mas nagiging okay po ako, mas natutunan ko pong mahalin ang sarili ko at huwag pansinin ‘yung mga ganung klaseng tao kasi sa totoo lang, ‘yung mga ganun’g klase ng tao, sila ‘yung matataas ang level of insecurity kaya binabato nila sa ibang tao,” ani AJ.

Pero ngayon daw ay okay na okay na siya at happy na rin siya lalo na sa mga magagandang blessings na dumadating ngayon sa kanya tulad na nga lang ng tagumpay ng pelikulang Taya na nagtala ng pinakamataas na views sa first day of streaming sa Vivamax.

At dahil na rin sa success ng movie nina AJ, Angeli at Jela, sila na ang pinakabagong VMX Crush or Viva’s Maximum Crush. Ang tatlo ay kinakitaan ng Viva na pwedeng maging tagapagmana ng init ang alindog ng Viva Hot Babes na matatandaang sumikat noong early 2000s.

Liezel ‘limot’ na ang dating dyowa

Mukhang naka-move-on na si Liezel Lopez sa break-up nila ng kapwa Kapuso talent na si Kristoffer Martin. Sa mga recent Instagram posts ng aktres ay mukhang masaya naman siya at mas lalo pa nga siyang gumanda ngayon.

Maganda rin kasi lately ang mga blessings na dumadating kay Liezel. Kasama siya sa malaking serye na Voltes V: Legacy kung saan ay gagampanan niya ang papel na Zandra mula sa Boazanian crew.

Matatandaang tumagal lang ng 6 na buwan ang relasyon nina Liezel at Kristoffer. Naging kontrobersyal ang kanilang affair sa simula pa lang dahil siya ang itinurong 3rd party sa break-up ng aktor at ex-GF na si AC Banzon.

Anyway, sa isa sa mga tweets ni Liezel nitong nakaraang buwan ay ikinuwento niya ang nakaka-touch na suporta ng kanyang ama sa break-up nila ng ex.

“This teared me up a little bit .. so as you know i have a couple tattoo with my ex , my daddy saw it and told me “wala na yung partner nyan diba? Tara papa tattoo din ako ng partner nyan para hindi ka mag isa” i love you daddy. Thank you,” tweet ni Liezel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.