Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ kumagat sa P5M TF ka-partner ang ex

0 193

Tinanong si AJ Raval sa virtual presscon ng pelikulang ‘Shoot! Shoot!: Di ko siya Titigilan!’ kung papayag ba siyang maka-partner ang ex niyang si Axel Torres. Kamakailan kasi ay pumirma na rin sa Viva Artists Agency ang dating PBB housemate.

“Siguro po hindi na rin akomakipag-partner sa kanya dahil hindi talaga kami okey,” deklara ni AJ.

Humirit naman ang presscon host na si Giselle Sanchez na kahit ba bigyan ng TF si AJ ng Viva na P5M para pelikula nilang dalawa? Pero,magkasama sila sa 10 days shooting?

“Yes po, siguro,” pakli niya sabay halakhakan.

Pero below P1M hindi na siya papayag?

“Plastikan kung siya ang makaka-work ko ,” tugon ni AJ na tumatawa.

Sa kampo naman ni Axel ay ganoon din ang situwasyon. Hindi muna sila magkakatrabaho ni AJ.

“Based sa last namin usap po…hindi muna din daw po. Aware naman Viva po sa kanilang dalawa pero may chance kasi 10 movie contract ang pinirmahan ni Axel . Pero ayaw muna rin ni Axel na maka- work si AJ sa ngayon.”

Samantala, may bagong movie si AJ kasama si Andrew E. Ito’y ang original song na naging hit TikTok trend na pinamagatang Shoot! Shoot!: Di Ko Siya Titigilan!.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ang latest movie collaboration ng comedy director na si Al Tantay at ng ultimate pakboy na si Andrew . Kasama rin ang sexy at kalog na Sunshine Guimary.

isa na namang sure-hit na comedy film ito. At sa 6.5 million trailer views sa loob lang ng 48 hours, ang SHOOT! SHOOT! ay isa sa mga most anticipated movies ngayong taon. Palabas na ito sa October 1, sa pinakabagong pay-per-view service ng Vivamax, ang Vivamax Plus na ikaw ang unang makakapanood. Ang regular showing naman nito ay sa October 8.

Sanya, Ken winner ang tambalan

Wagi sa Kapuso viewers ang kauna-unahang episode ng biggest telemovie collaboration ng taon na ‘Regal Studio Presents’ na tampok ang tambalang Ken Chan at Sanya Lopez.

Double trending ang first offering ng GMA at Regal na “That Thin Line Between”. Parehas pasok sa Top Trending list ang mga hashtags na #KenSanyaRegalStudioPresents at #GMAREGALStudioPresents sa Twitter!

Lubos namang nagpasalamat sina Ken at Sanya sa lahat ng mga tumutok sa kanilang episode.

Sa susunod na Sabado, September 18,8:30 PM ay tungkol naman sa sirenang si Raya ang dapat abangan sa weekly anthology starring ang ‘Team Jolly’ na sina Sofia Pablo at Allen Ansay!

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.