Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ matindi ang elya sa kamison

0 100

NI: ROLDAN CASTRO

Grabe talaga ang alindog ni AJ Raval. Kahit kamison ang suot ay matindi ang elya factor. Siya na talaga ang pantasya ng bayan at VMX Crush.

Hit na naman ang movie ni AJ na “Taya” Nangunguna ngayon sa Top 10 Content of the Week ng Vivamax.

At siyempre, ang “Taya” ay hindi magiging “pinakasugapang pelikula ng taon” kung wala si AJ bilang Nanette.

Simula nang ipinakilala siya sa “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” noong Enero, sunud-sunod na ang sexy roles niya. Abril nang opisyal siyang i-launch sa “Death of A Girlfriend”. Hulyo nang makasama naman siya sa “Nerisa”.

Sa bawat proyekto, laging may ipinakikitang bago si AJ, ito man ay sa pag-arte o sa kanyang katawan basta’t kinakailangan sa eksena. Kaya naman binansagan siyang Queen of Sexy Films ngayon ni direk Roman Perez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi ko naman po nafi-feel na ako ang fantasy ng bayan”. Hindi niya pinapasok sa ulo ang kasikatan,” deklara niya sa presscon ng Taya.

Alam ni AJ na bitbit niya palagi ang pangalan ng kanyang amang si Jeric Raval .Gusto niya itong maging proud sa kanya at ipinagmamalaki niya rin ang kanyang ama.

Sa katunayan, AJ ang kanyang naging screen name dahil siya ay “Anak ni Jeric”.

“Honestly, I joined showbiz to become an action star, just like my father,” saad pa niya. “But life has a different path for me, and so far, everything is doing fine.”

May talento rin si AJ sa pagkanta.

“In fact, I already recorded a song along with my brother. And we recorded it under Viva Records,”sambit pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.