Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ papatapyas ng boobs

0 193

NI: DOMINIC REA

Magpapatanggal daw si AJ Raval kung ano ang kinarga sa kanyang boobs. Balak niya itong gawin sa susunod na taon. Aminado siyang nagkaroon siya ng breast enhancement nu’ng magsimulang gumawa na siya ng pelikula.

Hindi naman daw siya pipigilan ng Viva kung ano ang gusto niyang gawin basta’t ginagawa raw niya ang kanyang trabaho.

Plano rin daw nitong magpaganda ng kanyang skin next year.Aminado siya na dati ay hindi makinis ang balat niya.

Ito ang mga pasabog niya sa virtual presscon ng latest film niyang ‘Crush Kong Curly.’ Mapapanood ito sa December 17 sa Vivamax. Katambal niya ang Hashtags member na si Wilbert Ross.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Diretsahang inamin din ni AJ na tinamaan siya ng depression dahil sa kontrobersiyang kinaharap niya. Humantong daw siya sa puntong nag-detox ng kanyang social media accounts dahil hindi na raw maganda ang naidulot nito sa kanya particular sa Instagram.

Ayon kay AJ, masyado man siyang hinusgahan ng mga netizen lately, bukas naman daw ang kanyang puso at isipang patawarin silang lahat lalo na ngayong Pasko. Mabigat daw kasi sa dibdib kapag may dinadala ka sa iyong puso .

Hirit pa niya,Pasko man daw o hindi, ugali niya na raw ang magpatawad at ito naman daw ang nararapat.

Wala na rin daw siyang magagawa sa mga ayaw sa kanya kundi hayaan na lang ang mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.