Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ binuyangyang dibdib, pinagalitan ni Jeric

0 1,591

NI: Roldan Castro

Palaban, matapang at mapangahas ang topless photo ni AJ Raval na kamay lang ang takip sa boobs.

Inamin niya sa mediacon ng Death of a Girlfriend na pinagalitan siya ng kanyang erpat (Jeric Raval) nang makita ito.

Kaya, dinelete na niya sa IG ang seksing larawan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si AJ ay itunuturing ngayon na bagong pantasya ng bayan. Sinabi niyang bibida siya sa remake ng pelikulang ‘Scorpio Night’ na unang ginawa ni Anna Marie Gutierrez at sinundan ni Joyce Jimenez.

Tutukan siya mamayang 7PM dahil guest siya sa Tonite L na L (Live na Live) . Mag-stream sa Abante Tonite Facebook Page, Abante Radyo Tabloidista Facebook page at YouTube channel.Kasama naming sa online show sina Chuffa Mae, at Nonie Nicasio.

Mapapanood din si AJ sa obra ni Yam Laranas para sa Vivamax Original movie na ‘Death of a Girlfriend’ katambal si Diego Loyzaga. Ipapalabas ang thrilling na love trip movie sa sa Abril 30, sa worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV at sa Vivamax.net.

Leave A Reply

Your email address will not be published.