Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ pinintasan ang utong

0 533

Hindi lamang sa social media, kundi maski sa umpukan ng mga bekibel, pinag-uusapan ang kataka-taka at nakakahibang na body parts ng Vivamax Goddess na si AJ Raval.

Wala namang isyu ang kanyang alindog at nakakarahuyong kagandahan.Lahat naman eh universal ang approval na makinis at maputi ang kanyang balat, pati na rin yata ang kasingit-singitan.

Ang kinawiwindang ng mga bekibel observer, hindi sila makapaniwala na maitim umano utong ng dibdib ni Raval.

Ayon sa bulong ng isang diwata, ang mga body part na ito ni AJ, dapat ay pinkish dahil nga maputi ito. (Hindi ka umitim lang sa ilaw ng kamera?-ED)

Kaya nga nawarat ang sensibilidad ng diwata kasi nga hindi siya makapaniwala dahil maputi ng balat ni Raval.

Sa true lang, mga totoong barako at macho papang Pinoy ang makakapagsabi kung ano ang mas appealing at mas nakakapagpatigas sa mga ugat nila,? ‘Yun bang utong na pinkish at tila hindi pa dinidilaan o sinusupsop o wala silang pakialam kung maiitim ang mga ito?

Naku, sino at ano nga kayang aesthetic at beauty center ang makakapag-magic sa flaw na ito ni Elizabeth, huh! Ito talaga ang national issue na dapat bigyang pansin at panahon. Charot! Hahahaha!

Vice Ganda, Ate Gay inaabangan ang sabunutan

May mga pinakawalang salita si Vice Ganda na hindi pwedeng ikaila na masama ang loob nito.

Ang Queen Bayot, nailagay sa isang damn if you will, damn if you don’t situation matapos ipangalandakan ni Ate Gay sa isang post kung magkano ang ayudang ibinigay niya.

Alam naman nating lahat na naospital si Gil Morales dahil sa pagkakasakit at isa si Jose Marie na kusang loob at bukas palad sa pagtulong.

Kaso dahil nga may big reveal si Morales kung magkano ang ibinigay ni Vice, may mga mahaderang kinukuwestiyon kung bakit ganun “kaliit” ang itinulong ni Viceral eh siksik, liglig at umaapaw ito sa pananalapi?

Ipinahayag na ni Ganda ang kanyang punto de vista tungkol sa kaganapan. Si Gil naman, ang paliwanag, na out of provocation ang nginungusong dahilan kaya niya inilantad ang mga hindi dapat inilantad.

Nasaktan ang Queen Bayot. Patawad naman ang hinihingi ni Ate Gay. Sa pangyayaring ito, nangangamoy nga lang ba ang beki wars na ito o kasado na?

Ay! Panalong bangayan at tarayan na ito. Pangtanggal umay talaga ngayong pandemya lalo na kung may kasama pa silang pisikalan, sampalan with sabunatan at pagulong-gulong sa kalye, huh!

Rayver nangangamoy ‘sawi’

Kaliwa at kanan ang tinatanggap na papuri ni Janine Gutierrez dahil sa kanyang “Marry Me, Marry You” teleserye.

Sabi nga sa mga sumusubaybay dito, partida, wala pang prangkisa ang ABS-CBN pero may palatuntunan itong “maganda ang texture, mahuhusay ang cast, matino ang kuwento” at higit sa lahat, orihinal, gawa ng mga manunulat na Pilipino .Hindi base mula sa banyagang pagtatanghal o drama.

Puring-puri ang pilot episode nito Buhay na buhay ang expression ng mga mata ni Gutierrez sa drama at talagang humahaliyak ang panghalina nitong natatangi at dakilang ganda.

Naku, kung si Paulo Avelino ay talagang mararahuyo kay Janine at ang dalaga naman ay mapapalundag ang puso dahil kay Avelino, good luck na lang sa iyo Rayver Cruz. Baka naman ikaw ang susunod na sawi sa pag-ibig. Charot!

Leave A Reply

Your email address will not be published.