Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ, Vince kinawawa sa pelikula

0 68

Sa totoo lang, huwag kayong magpapalinlang sa poster ng “Kaliwaan”. Ang pelikulang ito ay hindi para sa mahihina ang kalooban at madirihin lalo na nga’t unang 10-minuto yata nito bago ang title credits, may windang factor na talaga at sagad-sagad na talaga ang golpe de gulat.

Ang pelikula ni direktor Dante Palacio, na ginawa ni Brillante Mendoza para sa Vivamax, ay parang isang moralidad na dula na ang pangunahing layunin ay sampalin ang mga manonood nang ubod lakas para gisingin sila mula sa kanilang kawalang-interes sa mga kaganapang kahindik-hindik sa kasalukukyan.

Tunay na nakakagimbal ang mga kaganapan sa pelikula .Ipinapakita ang karahasan , kung sino ang nga gumagawa nito at kung paano pinagpipiyestahan ng mga societal predator ang kanilang mga biktima na nagkataong inosente. Dito, buhay na buhay ang matandang kasabihan na ang impiyerno ay ang ibang tao. Ang mga katotohanang ipinakita ay may hatid na kilabot sa iyo, at at iyong damdamin, tunay na maapektuhan.

Kargado sa husay sina Vince Rillon at AJ Raval na sawimpalad na magkasintahan. Kawawa sila sa nasabing pelikula.

First time kung mapanood si Raval at sa totoo lang, hindi siya nagpahuli sa natural at effortless acting ni Rillon.

Pagdating sa aktingan, sinagpang nina Ms. Irma Adlawan at si Mark Anthony Fernandez ang kanilang mga katauhan. Si Adlawan ang personapikasyon ng kabutihan at walang kapantay na pagmamahal ng isang ina sa anak. Si Fernandez naman ay tila lobong itinatago ang naturalesa at ikinukubli sa balat ng tupa. Nagmumura ang screen presence ni Mark Anthony, sa true lang.

Dapat ang lahat, bigyang panahon at panoorin ang “Kaliwaan” . Matapos mo itong matunghayan, hindi mo mapipigalan ang magtanong, mag-isip, makipagtalakayan at kumilos nang may pasiya na dapat ang kabutihan ay palaging mananaig kahit pa nga ang kasamaan ay umiiral sa maraming pamamaraan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.