Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ walang tinatagong anak

0 61

Inintriga si AJ Raval sa isang vlog kung may tinatago raw ba itong anak.

Buong ningning na sinagot ito ng kanyang pamosong manager na si Jojo Veloso na wala.

Anak daw ‘yun ng bunsong kapatid ni AJ na nagngangalang Vanessa.

Anyway, muli na namang masisilayan ang kaseksihan ni AJ sa ‘Crush Kong Curly’.

“Makipot, never pakipot, and always kulot” – ‘yan ang karakter ng sexy actress na mapapanood sa December 17 sa VIvamax. Katambal ni AJ ang Hashtag na si Wilbert Ross. Ito ay sa direksyon ni GB Sampedro.

Makakasama rin sa “Crush Kong Curly” sina Maui Taylor, Gina Pareño, Chad Kinis, Loren Mariñas, Andrew Muhlach, Jao Mapa , Madelaine Red , at si Gab Lagman.

Talbog!

Angeli sosyal na hubadera

Matindi ang karisma ni Angeli Khang na isa sa Viva’s maximum crush .

Sariwang Angel Locsin ang dating .Sosyal ang byuti ni Angeli kahit naghuhubad sa movie.

Actually, ang dami raw nagpakuha sa kanya ng photo nang dumalaw sa opisina ng Viva Entertainment.

May nagsabi pang empleyado na kay Angeli lang daw siya nagpakuha ng photo.

Record holder ang pelikula niyang Mahjong Nights bilang All Time Highest Single Day Views .

Nasundan agad siya ng dalawang pelikula entitled “Eva” at “Silip”.

Marami ang nagsasabi na malaking threat si Angeli sa Pantasya ng Vivamax na si AJ Raval.

Hindi naman itinuturing na karibal ni Raval si Angeli dahil kaibigan daw niya ito.

“ Nagi-start pa lang si Angeli, kasama ko siya sa ‘Taya,’ ginuide ko siya. Gusto kong makarating siya nang malayo.Wala kaming kumpetisyon sa isa’t isa,” deklara ni AJ sa virtual mediacon ng movie niyang ‘Crush Kong Curly’.

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.