Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ ‘wasak’ ang career kay Aljur

0 228

Ang daming violent reactions sa pag-amin ni AJ Raval na nanliligaw sa kanya si Aljur Abrenica.

Inamin ni AJ sa isang online panayam na nasa getting-to-know each other stage sila ng estrange husband ni Kylie Padilla .Sey pa niya, “we understand each other, we care for each other.

Pero hirit din naman niya, wala pa naman sila sa point na may relasyon sila.

At heto na nga, dahil dito ay ang daming nag-worry para kay AJ at nagpayo na huwag sayangin ang career because of Aljur. Obviously, maraming hindi pabor na maging jowa niya ang aktor.

Sa Facebook page ng manager ni AJ na si Jojo Veloso nag-iwan ng comments ang ilang concerned netizens.

“Bagsak career mo dyan a.j,” sey ng isa.

“Hey, lodi aj, wag mo sanang sayangin yong pinaghirapan ni tito jo, marami ka pa makikita jan na mas deserve mo, sayang ang career mo., wala k pa sa top icon, i continue mo muna ang nasimulan ninyo ng manager mo.,and what tito jo said bata ka pa naman i enjoy mo muna ang pagiging isang artist. wala naman masama kong friend lang but remember wag masyadong string attached to each other,, jan babagsak ang career mo sayang naman ang naumpisahan mo, as one of your fan please don’t disappoint us. Tnx,” sey naman ng isa niyang fan.

“Ang dami artists na gusto makarating sa kinatatayuan mu now Aj Hindi kavrin nman binabawalan mag bf dhil personal life mu yan pro SNA LNG maunawaan mu na bilang artista kana may mga obligasyon ka na dpat gawin na klangan u isantabi yan pansamantala si nman mwawala c aljur svtbi mu kng tlgang to too mahal ka nya maiintindihan nya yun dhil artist a din xa kya wag mu sayangin pagkakataon na binigay ng viva sau at bilang respeto na din s manager mu,” payo naman ng isa pa.

Hiningan naman ng opinyon si Mudra (tawag kay Jojo V) ng isang netizen at ang sagot ng manager, “basta ang alam ko pareho kaming maganda ng anak kong si Aj at parehas ding marupok!”

Well, kung kami ang tatanungin, nagsisimula pa lang ang career ni AJ. She has a bright future ahead of her, sa totoo lang, at hindi magandang ma-involve na agad siya sa isang married man.

Leave A Reply

Your email address will not be published.