Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Akala kawatan, paslit todas sa guwardiya

0 216

Maagang nasawi ang isang 11-anyos na totoy matapos barilin ng isang security guard sa Cebu City na inakala niyang magnanakaw.

Sa report lumalabas na unang ikinatwiran ng sekyu na ang biktima ay nagnanakaw umano ng bakal.

Pero ayon sa kasama ng bata, namamasyal lang sila sa lugar at ang tunay aniyang nagnakaw ay ang isa nilang kakilala. Nagkataon lang aniyang nasa lugar sila nang paputukan ng guwardiya at maasinta sa leeg ang biktima.

Agad na binitbit sa presinto sa Mambaling, Cebu City ang guwardiya kung saan sa ngayon ay sinasabing sising-sisi ito sa pagbaril niya sa bata.

Leave A Reply

Your email address will not be published.