Abante Tonite Interactive

Akala’y namatay na astral projection pala

158

Mga ka-Misteryo, naranasan niyo na bang magkamalay at nakita niyong nakalutang kayo at nakita ang katawan niyong natutulog lang sa kama?

Hindi nagkandatuto sa pagkuwento si Romy ng Bulacan nang magising si­yang nakalutang at nakadikit sa kisame ng kanyang bahay at nakita ang katawan niya sa ibaba na nakahiga. Ang buong akala niya ay patay na siya.

‘Yan ang paksa nating ngayon: ‘Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!’
Dumulog sa #TeamMisteryo si Romy at nasabi niyang namatay na siya minsan pero bumalik siya.

Inusisang mabuti ng #TeamMisteryo si Romy tungkol sa kanyang karanasan.
Team Misteryo: “‘Yung sabi mong namatay ka na, nakita mo bang may sundo ka?”

Romy: “Wala akong nakitang sundo, ‘yun ba ‘yung kaanak mo o kaya ay anghel na kasama sa langit?”

Team Misteryo: “Oo sundo ng mga namayapa pero kung wala kang sundo mukhang malabo ang sabi mong namatay ka. Paano ba ang nangyari sayo.”

Romy: “Pagod na pagod ako nun sa trabaho kaya pagdating sa bahay agad akong humina sa kama at nakatulog na pala ako.”

Team Misteryo: “Sinabi mong bigla kang nagising pero nakadikit ka na sa kisame ng bahay at dito ka na nag-panic akala mo namatay ka na?”

Romy: “Kaya natatakot ako ayaw ko munang mamatay dami ko pa pinagpapaaral.”

Team Misteryo: “Kung sabihin namin na hindi ka naman talaga namatay dahil normal lang na out of body experience ang nangyari sayo.”

Romy: “Astral din ba tawag dun? Bakit ganu’n nakalutang ako tapos nu’ng nag-panic ako nagsisigaw pa nga ako ng ayaw ko pa mamatay ay tila nahigop ako pababa pabalik sa katawan ko.”

Team Misteryo: “Kasi ang astral body mo ay may kuneksyon pa talaga sa katawan mo kaya’t hindi ka pa patay nun. Palatandaan ‘pag patay ka na malabo ka nang makabalik sa katawang lupa mo. Maaaring may sundo ka o ‘di man kaya ay deretso kang hinigop ng liwanag mula sa taas.

Romy: “Mukhang ganu’n nga nangyari sa akin pero Pagkatapos nun nakakakita na ako ng mga multo at mga nilalang sa paligid. Saka kaya pala ako nagising ay tinadyakan pala ako ng nanay ko dahil umuungol ako sa pagtulog

Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.