Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Akbayan kay Parlade: Thanks but no thanks

0 233

Pang iiintriga lang at para bigyan katwiran ang ginagawang ‘red tagging’ ang nakitang dahilan ni Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales sa ipinahayag na papuri ni Lt. Gen. Antonio Parlade sa grupong Akbayan kung saan tinuring nitong isa umano itong mabuting grupo di katulad ng ibang Makakaliwang grupo na umano’y mapanganib at bayolente.

Ayon kay Rosales, ang pahayag ni Parlade ay ‘copy-cat’ lang ng pahayag ni dating AFP Chief at ngayong National Security Adviser Hermogenes Esperson noong 2007 sa Akbayan upang takasan ang pananagutan nito ukol sa extrajudicial killings ng political activists sa ilalim ng rehimen noon ni President Gloria Macapagal Arroyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Thanks, but no thanks. General Parlade’s false praise of my political party will not justify his foolish red-tagging of government critics. Not at our expense. We don’t need his fake and dangerous compliment,” giit ni Rosales.

Ayon pa kay Rosales, habang patuloy na naninidigan ang kanilang partido laban sa extortion activities at pagpatay ng mga rebeldeng New Peoples Army ngunit kinokondena rin nila ang pag aabuso ng mga militar laban sa makakaliwang grupo.

“We will not allow our consistent stand against the atrocities and abuses of non-state actors to be exploited by irresponsible military leaders to threaten and red-tag civilians, much more muzzle the voice of legitimate dissent. Abuse is abuse, whether it is from the NPA or the military. Akbayan will not tolerate either,” ayon kay Rosales. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.