Abante Tonite Interactive

Akhuetie, UP No. 2 seed; La Salle sinipa sa Final 4

242

Muling niligwak ni Bright Akhuetie at UP Fighting Maroons ang La Salle Green Archers sa dikdikang labanan, 71-68, sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2019 2nd round elims Linggo ng gabi sa Ynares Center, Antipolo City.

Apat sa State U ang mga tumagpas ng 10 points above na pinangunahan ng double-double 17 points at 10 rebounds ni Akhuetie, tied season high 12 markers ni Ricci Rivero, 11 points ni Jun Manzo at 10 puntos ni Kobe Lorenzo Paras para sa makasaysayang tagumpay.

Sa third straight victory para 9-4 win-loss record, sinementuhan ng Diliman-based dribblers ang No. 2 seed at sinipa ang DLSU sa Final Four sa pangalawang­ sunod na taon sa pagpapasada ng 6-7 sa fifth spot.

Ang posisyon ang pinakamataas na seeding na naisubi ng Maroon sa Final 4 era ng liga.

Sa 54 segundo natitirang oras, isang dunk ni Paras ang nagpalamang sa Peyups, 70-68, at gumunaw sa mundo ng mga basketbolistang taga-Taft.

Ang komunidad ang tinuro ni Dolreich ‘Bo’ Perasol sa naabot ng Maroons.
“There are ups and downs when we were playing but the Lord sustained us. Secondly, how could we disappoint our community who came in throngs, kept on supporting us all through the season,” bulalas ng UP coach.

Dagdag pa niya, “I mentioned to the guys that we not just fighting­ for the position but we are fighting for our survival as well. I just have to give honor to them for being warriors,”

Out sa semifinals, kulang ang 17 pts., 11 rebs. game ni Jamie Malonzo, 12 pts. ni Aljun Melecio at 10 pts., 11 rebs. ni Justine Baltazar.

Nakaentra na rin ang ka-tie sa third pero may mataas na quotient sa tiebreak na Far Eastern Tamaraws (8-6) nang torohing muli ang nasa ilalim na UE Red Warriors (2-11), 82-58, sa likod ng 17 pts. ni Wendelino Comboy III. (Janiel Abby Toralba)