Abante Tonite Interactive

Akihiro, nagdirek ng mini-series

By
9

NGAYON lang uli namin nakatsikahan ang isa sa finalists ng Artista Academy na si Akihiro Blanco.

Bahagi ang 21 y/o Kapatid actor sa pelikulang Sikreto ng Piso na sinulat at ididirek ni Perry Escaño, at ba­lak na isali sa Metro Manila Film Festival 2017.

Ang guwapo ni Akihiro at may talent naman, kaya nagtataka kami, bakit hindi nagkainteres ang ABS-CBN 2 na kunin siya?

Abante Hiring – IT dep

Kapamilya talent na sina Vin Abrenica at Ritz Azul, kaya umaa­sam din ba siyang mapansin ng ABS-CBN 2?

“Open naman po ako sa ganu’n, eh. Nga­yon lang siguro po, pag sa mga network… gusto ko po munang mag-freelance. Soon po si­guro baka mag-ano rin,” pahayag ni Akihiro.

Natutuwa siya para kina Vin at Ritz na nabigyan ng magandang break sa malaking TV network kagaya ng ABS-CBN 2.

Sisimulan na ni Akihiro ang Ang Sikreto ng Piso, pero meron din pala siyang dinidirek na mini-series na ipinapa­labas online.

Meron na siyang nasimulang romcom pero hindi pa niya natapos.

Pero meron siyang sinulat at dinirek din na isang mini-series na pinamagatang Warriors.

Mapapanood ito sa Akihiro Blanco channel niya sa YouTube.

“Mahilig din po kasi akong magsulat. Gusto ko rin pong magdirek at mag-acting na rin,” pakli ng guwapitong bagets ng TV 5.

Regal baby na rin pala si Akihiro at me­ron na raw siyang sisi­mulang pelikula sa naturang film outfit.