Abante Tonite Interactive

Aklan mayor sinibak sa pagpapabaya sa Boracay

601

Naghain ng dismissal order ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Malay, Aklan Mayor Ciceron Cawaling at sa municipal licensing officer na si Jen Salsona, dahil umano sa grave misconduct at iba pang paglabag na inuugnay sa nangyaring pagkasira ng isla ng Boracay.

Inilabas ng Office of the Ombudsman ang dismissal order laban kay Cawaling kaugnay ng administrative complaint na hinain laban sa kanya at 16 na iba pang opisyal ng lalawigan kaugnay ng kapabayaan sa pangangasiwa sa nasabing isla pero tanging ang alkalde at si Salsona lamang ang tinuluyang sibakin.

Una nang iniutos sa alkalde ang preventive suspension noong Oktubre 25, 2018, isang araw bago magbukas ang Boracay sa mga turista matapos ang anim na buwang pagsasara nito para sumailalim sa rehabilitasyon.