Abante Tonite Interactive

Aklan police dedo sa sariling baril

By
7

Agad nasawi ang isang pulis makaraang tamaan ng bala mula sa sariling baril nito sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Fulgencio Sur, Balete, ­Aklan, kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si SPO2 Ferdinand de Mateo, nakatalaga sa Aklan Provincial Police ­Office (APPO).

Bandang alas-sais ng gabi nang makita ng mga kaanak ang labi ni De Mateo na nakahandusay at wala nang buhay sa loob ng kanilang kuwarto katabi ang service firearm nito.

Abante Hiring – IT dep

Nilinaw naman sa ulat na walang narekober na suicide note sa crime scene at base sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ay aksidenteng pumutok ang baril ng biktima at minalas na tumama sa ulo nito.