Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aksyon agad vs variant! WHO saludo sa PH

0 213

Pinuri ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas sa pagtatangka nitong mapigilan ang pagpasok ng Delta vatiants.

Kasabay nito, iginiit ni WHO representative Dr. Rabindra Abeyasinghe sa gobyerno na palakihin pa ang stock ng oxygen at palawakin ang pagbabakuna para malabanan ang Delta variants.

Kabilang sa pinuri ni Abeyasinghe ang ipinatupad na travel ban, mahabang quarantine period at pagpapatupad ng travel ban sa may 123 iba pang mga bansa na may delta variants.

“All of these measures have contributed to the delay in the eventual detection of Delta in the country. But now we have it here,” ayon kay Abeyasinghe. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.