Abante Tonite Interactive

Aksyon Lady: Iba ang orig

6

Ano na kaya ang nangyari sa mahuhusay na think tank ng ilang partido pulitikal sa ating bansa ngayong halalan?

Naubusan na nga kaya sila ng ideya dahil luma­labas na nanggagaya na sila­ ng mga plataporma ng ibang partido, lalo na ng Partido ng Galing at Puso?

Nasabi ko ito dahil­ hindi ba’t ang grupo ni Senadora Grace Poe ang u­nang nagpaugong ng pagwa­wakas sa hindi makataru­ngang kalakaran na “endo” (end of contract) sa mga kumpanya na kung saan, pagkatapos ng limang buwan, nganga na naman ang obrero dahil wala na siyang trabaho.

Pero matapos ilatag ng tambalang Poe-Escudero (Chiz) ang kanilang posisyon sa endo ay hayun, kinopya na ng mga pambato ng administrasyon.

Nabasa natin sa isang pahayagan na ngayon ay puspusang isinusulong nila kabilang ang iba pang partido ang pagbasura sa kontraktuwalisasyon sa paggawa.

Ito pa ang isang pangyayari. Nang tumuga ang kampo nina Grace at Chiz Escudero hinggil sa kontrobersyal na P211 mil­yong diumano’y tagong yaman ni PDP-Laban bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte at nagsabing dapat na bulatlatin ang sinasabing account sa Bank of the Philippine Islands-Julia Vargas Branch, nagsalita rin ang kampo ng administrasyon.

Nag-isyu na rin ang partido ng isang dokumento na magpapahintulot din sa Ombudsman na bulatlatin ang kanyang bangko.

For the record, matagal nang ginagawa ni Sen. Grace Poe ang bagay na ito.

Taong 2013 pa, nang siya ay maging senadora, laging nakakabit sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para malayang mabubusisi ng kinauukulan kung mayroon talaga siyang tagong yaman.

Bukod sa mga nabanggit, mapupuna rin natin na noong isang taon pa idiniriin ni Poe ang pagbibigay ng libreng makakain sa mga mag-aaral sa elementarya at day care centers sa buong Pilipinas.

Katunayan, nakum­binsi­ pa nga ni Poe ang Senado na laanan ng P3.2 bilyon para sa libreng pa­nanghalian ng mahihirap na mag-aaral para lumusog at sumigla sila at makapag-aral nang husto.

Pero ang administrasyon ay aligaga naman sa pagpapalawak ng Feeding Program ng gobyerno.

Mukhang hindi lang si Digong Duterte ang mahilig mangopya ng programa, dahil ganit­o rin ang istilo ng mga taga-LP.

Naku gamitin naman ninyo ang sangkatutak na mga binayaran ninyong mga tagapag-isip at itigil na ang pangongopya dahil wala itong idudulot na buti sa inyo at sa ating bansa.