Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktibong COVID case bumaba sa 23K

0 228

Bumaba pa sa 23,846 ang nalala­bing aktibong kaso ng COVID-19 na naitala kahapon ng Department of Health (DOH) matapos na may 2,759 na bagong nakarekober sa sakit.

Base sa DOH case bulletin no. 613, nakapagtala naman ng 1,190 bagong kaso ng COVID-19 kaya nasa 2,820,494,ang kabuuang bilang nang dinapuan ng virus.

SM food to go Banner Ad

Habang may 309 ang nadagdag sa mga nasawi na umaabot na ngayon sa 46,117 habang nasa 2,750,531 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.