Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktibong COVID case bumaba

0 205

Nakapagtala ng 22,877 bagong nakarekober sa COVID-19 infection nitong Sabado, Abril 24, kaya bumaba sa 89,485 ang mga aktibong kaso sa Pilipinas.

Subalit nasa 9,661 katao naman ang bagong nagpositibo kaya umakyat sa 989,380 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Pumatak naman sa 16,674 ang bilang ng mga nasawi matapos na makapagtala ng 145 pasyente na bagong namatay sa virus infection.

Batay pa sa COVID-19 Case Bulletin No. 406 ng Department of Health (DOH), sa mga aktibong kaso o nakikipaglaban sa ngayon sa virus, 95.9% ang mild, 1.4% ang asymptomatic, 1.1% ang severe, 0.8% ang kritical at 0.7% ang moderate.

Ipinahayag naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba ang daily average cases sa 9,556 kada linggo na mas mababa kumpara sa 10,858 na naitatala sa mga naunang linggo.

Dahilan aniya ito sa enhanced community quarantine (ECQ) at sa mga lockdown na ipinatutupad sa mga pamayanan na may mataas na kaso ng COVID-19.

Subalit hindi dapat aniya maging kampante ang mga tao sa halip ay magpatuloy na sundin ang mga health protocol para bumaba pa ang mga kaso ng virus infection sa bansa. (Issa Santiago/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.