Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktibong COVID case lumobo sa 125K

0 149

Pumalo na sa 125,900 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 16,044 bagong kaso hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Linggo, Agosto 22.

Ayon sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 526, umaabot na sa 1,839,635 ang kabuuang kaso ng dinapuan ng coronavirus sa bansa.

Sa naturang bilang, nabatid na 6.8% pa o 125,900 ang kabuuang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kasama ang 93.8% mild case, 3.4% na asymptomatic, 1.2% na severe, 0.94% na moderate at 0.6% na kritikal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Habang may 13,952 pang bagong gumaling sa sakit kaya’t umaabot na ngayon sa 1,681,925 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID sa bansa o 91.4% ng total cases.

May 215 pang nasawi kaya nasa 31,810 na ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa COVID o 1.73% ng total cases.

Ayon pa sa DOH, may 120 kaso na unang tinukoy na nakarekober pero kalaunan ay namatay pala matapos ang final validation.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.