Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktibong COVID sumipa sa 5K

0 75

Pumalo sa 5,113 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa na pinakamataas mula noong Mayo 3 ngayong taon.

Base ito sa pinakahuling COVID-19 bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) kahapon kung saan iniulat din na nakapagtala ng 593 bagong kaso ng COVID sa bansa kung kaya’t umakyat sa 3,697,793 ang kabuuang kaso nito.

Naitala naman sa 3,632,196 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober matapos tamaan ng coronavirus dahil sa nadagdag na 333 subalit umakyat naman sa 60,484 ang mga nasawi dahil sa walo katao na bagong nasawi.

SM food to go Banner Ad

Sa datos ng DOH, Metro Manila pa rin ang may pinakamataas na kaso ng COVID sa nakalipas na dalawang linggo matapos na makapagtala sa rehiyon ng 2,793 tinamaan ng virus.

Kasunod ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na may 864 bagong kaso, 458 sa Western Visayas, 413 sa Central Luzon at 231 sa Central Visayas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.