Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktibong virus case tuloy sa pagbulusok

0 140

Patuloy ang pagbaba ng mga aktibong kaso ng COVID-19 matapos na makapagtala ng 13,853 o 0.5% lamang ng kabuoang bilang ng mga nadale ng coronavirus sa buong bansa kahapon.

Noong Biyernes ay nasa 14,997 ang mga aktibong COVID case at bumaba pa ito kinabukasan, Sabado (Disyembre 4), matapos na makapagtala ng 14,338.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, sa COVID-19 Case Bulletin No. 631 ng Department of Health kahapon, nakapagtala naman ng 603 bagong kaso, umabot sa 1,047 ang mga bagong gumaling at 156 ang nasawi.

Nasa 2,771,536 na ang kabuoang bilang ng mga nakarekober sa bansa habang 49,386 naman lahat ang nasawi sa COVID. Pumalo naman sa 2,834,775 ang kabuoang kaso ng dinapuan ng COVID sa buong Pilipinas. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.