Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor ‘Casino King,’ winner ng P23M

0 112

NI: VINIA VIVAR

Nakaka-intriga ang blind item ng veteran showbiz columnist/talent manager na si Lolit Solis tungkol sa isang aktor na nanalo ng tumataginting na P23 million sa casino.

Bagama’t may mga clues na ibinigay si Nay Lolit tungkol sa aktor tulad ng wala raw itong ginagawang project sa ngayon at malapit daw ito sa ilang mataas na opisyal sa gobyerno, hindi pa rin namin mahulaan kung sino ang kanyang tinutukoy.

Ayon sa Instagram post ni Nay Lolit, tambay raw ng casino ang aktor na ito dahil nga walang ginagawang project.

“News mo na may nanalo aktor ng 23M sa casino. Mula ng wala ng ginagawang pelikula o project ang naturang aktor, balita ng tambay ito sa casino. Nagtataka nga ang marami saan kinukuha ng aktor ang puhunan sa sugal, eh ang ginagawa lang nito maging alalay sa ilang mataas na opisyal ng gobyerno,” simula ng post ni Nay Lolit.

SM food to go Banner Ad

“Sabagay, saan man niya kunin ang puhunan sa pang sugal niya hindi naman natin problema, kanya kanya naman raket ang bawat isa sa atin,” dagdag pa niya.

Another clue ni Nay Lolit, paalis na raw sa pwesto ang dinidikitang politiko ng aktor at hindi na rin daw influential ang matalik na kaibigan na nasa mataas na pwesto.

“Mabuti naman at panay daw ang panalo ng aktor ngayon dahil paalis na sa puwesto ang dinidikitan niyang pulitiko, at hindi na ganuon ka influential ang isa niyang BFF na nasa mataas na puwesto.

“Sana nga lagi na lang panalo para naman hindi magkaruon ng financial problem ang aktor, dahil ito na lang yata ang trabaho niya. Bongga, casino king siya talaga,” pagtatapos ni Nay Lolit.

Sino ang “Casino King” actor na ito? Hirap hulaan, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.