Aktor, confrontational sa casino

144

Text pa nitong balikbayan friend namin, “Seen last night (Saturday) at the Solaire casino slot machine area. Actor ‘S’ in an altercation with a Korean player.”

Halos katabi raw niya ang isang Koreano na matagal nang nakaupo sa isang slot machine.

Dagdag niyang kuwento, “Machine was playing by itself because there’s a bonus and the player was standing away from the machine because he was ­smoking.

“Actor S didn’t know the game was in progress so he sat down and started to play and the Korean tapped his shoulder to warn him that the machine was his, and still active.

“Actor S snapped at him and said you don’t need to touch me and worst to tap my shoulder — just say excuse me that’s my slot machine end of the story.

“This is around midnight yesterday, napaka-confrontational niya huh? At parang anti­patiko.”

Hindi na kami nagulat sa reaksyong iyun ni aktor S dahil ganu’n talaga siya.

Medyo naintriga lang kami na nakakapag-casino­ na pala siya. Maganda na ba ang financial status niya nga­yon magmula nang napalapit siya sa kasalukuyang admi­nistrasyon?

***

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

NATAWA kami sa kaibigan naming balikbayan­ nang mag-text sa aming­ nakita niya sa airport ang magka-loveteam na Daniel­ Padilla & ­Kathryn Bernardo.

Tumanda na kasi itong friend namin sa Amerika kaya hindi niya gaanong kilala ang mga sikat na young stars ngayon.

Hindi niya sure kung si Daniel ba itong pinagkaguluhan ng mga airport staff kasama ang ‘plump’ mother nito.

Pinadala namin sa kanya ang video ng San Marino Corned Tuna na ine-endorse ng KathNiel­ at kinumpirma niyang sila ito.

Natawa kami sa sinasabi niyang ‘plump’ mother na dagdag pa niyang kuwento, hindi raw nagtagal sa loob ng lounge ang madir at baka economy raw ang ­ticket nito.

Ang dami raw kasing kasamang mga bading ni madir kaya hinatid lang daw sa lounge ang anak.

Ang kasama lang daw ni Daniel sa loob ng lounge ay isang pretty girl na obvious­ si Kathryn ­Bernardo ito.

Lalo silang pinagkaguluhan ng mga airport personnel sa loob ng lounge.
Merong isang bading lang daw na feeling pa-star na naka-leggings daw at tight warmers ang nagsabi sa KathNiel na boarding na sila.

Patu­ngo raw silang Kuala­ Lumpur, Malaysia.

***

Mamayang hapon na pagkatapos ng Eat ­Bulaga magsisimula ang bagong drama series na Oh My Mama.

Marami ang nag-e-expect na maganda ang kalalabasan nitong Oh My Mama na pagbibidahan ni Inah de Belen.

Masundan kaya ni Inah ang success na sini­mulan ng mommy niyang si Janice sa Flor­deluna?

Kasama si Gladys Reyes sa afternoon drama na ito at kahit siya ay natutuwa rin kay Inah dahil parang nakikita niya kay Inah noong nagsi­mula si Janice sa Flor­deluna.

“Kapag n­agdadrama kasi ‘yan, may mga anggulo siyang Janice na Janice talaga,” pakli ni Gladys.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...