Abante Tonite Interactive

Aktor ‘di buking ang kabadingan

By
2,467

May isang aktor na ihinihilera ng marami sa mga tinatawag na “closet queen” na hindi madalas na nagiging paksa tungkol sa kanyang totoong kasarian. Bata pa siya, simpleng-simple lang kumilos, pero alam ng kanyang mga katrabaho na pusong-babae siya.

Hindi kasi nagkakalat ang aktor, hindi mo siya makikitang patambay-tambay sa mga lugar na maraming nagguguwapuhang kalalakihan, napanatili niya ang kasimplehan ng kanyang buhay.

Kuwento ng aming source, “Sure na sure na becki siya, pero kita n’yo naman, walang kahit anong kuwento ng kabadingan na naglalabasan tungkol sa kanya. Malamya siyang kumilos, hanggang ga­nu’n lang ang nakikita sa kanya, maingat ang male personality na ‘yun.

“Umiiwas siya sa lugar na siguradong ma­giging mitsa ng mga kuwento tungkol sa kanya. Sana, gayahin siya ng ibang mga closet queens d’yan na sila pa mismo ang nagkakalat tungkol sa gender nila.

“Gayahin nila si ____(pangalan ng aktor­) na hindi nakikita kahit saan, maingat na mai­ngat siya, malaki ang respeto niya sa sarili niya,” kuwento ng aming impormante.

Hindi rin daw mahilig mag-post ng kung anu-anong pictures at impormasyon tungkol sa kanyang mga pinupuntahan ang aktor. Puro trabaho lang ang laman ng kanyang mga posts.

“Mismo! Hindi siya nagpupunta sa mga lugar na bakasyunan na kunwari, e, mag-isa lang siyang nandu’n, pero may kasama naman pala siyang guy. Di ba, ganu’n ang drama ng mga artistang ayaw magpabuking kung ano sila?

“Magpo-post sila ng pictures sa isang lugar na kunwari, e, mag-isa lang sila, pero bigla namang may magpo-post ng picture na ganu’n din ang background, buking na buking tuloy sila sa mga drama nila,” madiin pang sabi ng aming source.

Simple nga ang tinutukoy na aktor ng a­ming kausap. Tahimik lang siya, simple lang, kung gumagawa man siya ng mga bagay-bagay na makapagpapaligaya sa kanya ay hindi niya ‘yun ginagawa sa mga pampublikong lugar kundi sa tirahan lang niya.

Malihim!

Kris sinasaktan nang patagilid si Vice

Binigyan ng magkabilang talim ng mga netizens ang mga papuring ibinigay ni Kris Aquino sa basketball player na si Terrence Romeo. Nang humingi ng sorry ang basketbolista sa naganap na rambulan sa FIBA kung saan isa siya sa siyam na players na pinalabas sa hardcourt ay nakuha niya ang atensiyon ng aktres-TV host.

Ang komento ni Kris sa panghihingi ng paumanhin ni Terrence, “Ganyan ang pananaw ko sa buhay—pampamilya o kaibigan, lalong-lalo na sa gipitan, walang iwanan. You’ve been raised well by your parents. Nag-sorry­ ka, pero pinaintindi mo nang klaro ang paninindigan mo.”

Natural, ikinasaya ni Terrene Romeo ang post ni Kris, nagpasa­lamat ito sa aktres-TV host, kasunod ang pasasalamat sa suportang ibinibigay ni Kris sa G­ilas Pilipinas.

Masarap na pagkain para sa mga bashers ang pagpapalitan nila ng komento, kaya uma­riba na naman ang mga negatron, idinamay pa ng mga ito si Vice G­anda sa senaryo.

Naugnay ang pangalan ni Terrence Romeo kay Vice Ganda. Ito ang sinasabing tunay na pag-ibig ng sikat na komedyante-TV host. Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin nakapagmu-move on si Vice sa nakaraan nila ng sikat na basketball player.

Dating magkaibigang karnal naman sina Kris at Vice, “asawa ko” pa nga ang tawagan nila, pero mula nang mawala na si Kris sa ABS-CBN ay mukhang tumabang na ang kanilang pagkakaibigan.

Sa tanong nga kay Kris ilang araw pa lang ang nakararaan kung magkaibigan pa rin ba sila ni Vice Ganda ay makahulugan ang kanyang sagot, “I hope so….”

Ayon sa mga bashers ni Kris ay kinakaibigan lang daw niya ngayon si Terrene Romeo para pasakitan si Vice. Gusto lang daw niyang saktan nang patagilid ang komed­yanteng na-link nu’n kay Terrence.

Humanga lang si Kris Aquino sa paninindigan ni Terrence Romeo, pero ang dami-dami nang interpretasyon ng kuwento, nagsanga-sanga na ang istorya at binash na rin si Vice Ganda na wala raw pagpapahalaga sa salitang pagkakaibigan.