Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor-direktor tinamaan ng COVID sa taping

0 945

Usap-usapan sa showbiz ang umano’y tinamaan ng COVID -19 ang isang actor-director sa taping. Takot na takot daw ang mga artistang nakakaeksena niya. Mahalaga ang ginagampanang papel ng actor-director sa nasabing show kahit hindi siya ang bida.

How true na pati isang lightman ay kinapitan na rin ng coronavirus?

Ito rin kaya ang binabanggit ni ‘Nay Lolit Solis sa kanyang Instagram account kamakailan?

Mababasa sa IG niya na @akosilolitsolis, “Kalat na kalat na sa showbiz na meron mga tinamaan ni corona virus sa mga naka lock in taping. Pinag-uusapan na na kahit pala lock in hindi pa rin sigurado na magiging ligtas ka. Hindi rin insurance na naka lock in kayo at magiging free na kayo para hindi maabot ng virus. Patunay na kahit sundin mo pa ang mga health protocol, susceptible pa rin ang lahat sa bagsik ni covid 19.

“Siyempre hindi papayag ang production na kumalat ang balitang ito, dahil baka maging dahilan na mas lalong maghigpit ang DOH at IATF dahil nga parang patunay ito na kahit konting gathering of people lang malaking risk na para sa social distancing. Maging dahilan din para mahinto ang mga taping dahil nga baka maging dahilan pa ng pagkalat ng virus. Hindi na talaga biro ang damage ni corona, sobra sobra na.”

Tsuk!

Bela dinemanda ang stalker

Sinampahan na raw ni Bela Padilla ng kasong unjust vexation ang kanyang stalker. Nagpunta raw ito sa Fiscal’s Office ng Mandaluyong City para ireklamo.

Ang naturang guy ay nagpapakilalang dyowa niya at dating classmate. Nagpumilit umano ito na pumasok sa bahay niya.

Bago kinasuhan ni Bela ang stalker ay nagpa-blotter muna siya sa Mandaluyong Police Station.

Mensahe pa ni Bela sa isang panayam, “Don’t come to my house ever again. You’re never invited.”

Talbog!

Nambastos kay Sunshine , mga anak humingi ng tawad

Sa pamamagitan ng lawyer ni Sunshine Cruz na si Atty. Bonito Alentajan humingi ng tawad ang isang nambastos sa aktres at sa kanyang mga anak.

May mga larawan sila na inedit at ginawan ng caption.

Galit na galit si Shine na nag-post sa kanyangInstagram at Facebook account nu’ng Lunes,

“Wala kaming sinasaktan at inaapakang tao. Hindi pagkain o bagay ang mga babae. Anong satisfaction ang nakukuha nyo sa pambabastos nyo sa amin? I may have done sexy movies in the past but it is never a valid reason to treat us this way.#respectwomen.”
Ang update post ni Shine ay may nagso-sorry na.

“Dear Mrs. Sunshine Cruz

“Please forgive me for what i have done yesterday, i don’t have any intention to hurt your feelings as a mother and especially to your child. These memes was edited yesterday, but, sorry for these stupid things that i already made by yesterday. I regret it to much. I’m experiencing now anxiety and stress . I’m so upset with myself. Please forgive me miss Sunshine never to be repeated. And sorry for being childish. But, I’m not as you think like that. I am not a bad person. I’m a senior highschool student, and ready to educate myself more.

Sincerely yours.

John Kenneth Damaso Cruz”

Dagdag pa ni Shine, *Sent through my lawyer Atty. Bonito Alentajan #RespectWomen

May nagpayo naman sa aktres na kasuhan pa rin ito para maging lesson din sa ibang kabataan o netizen na inaabuso umano ang socmed.

Leave A Reply

Your email address will not be published.