Abante Tonite Interactive

Aktor inaayawan ng mga masahista

935

Isang magaling na masseur na nagtatrabaho sa isang sikat na spa sa may Scout area ang sumusumpa na hindi na raw siya ulit babalik sa bahay ng isang silahistang aktor.

Nakatira ito sa isang magarang subdibisyon sa Metro Manila.

No, hindi naman daw siya pinuwersa nito na makipag-sex, pero ang ikinaayaw ni masahista, kung ano ‘yung halaga ng masahe na kanilang napag-usapan ay ‘yun lang daw talaga ang iaabot ng silahistang aktor. Wala siyang ibinibigay na tip. Hindi man lang nito isinaalang-alang na nagko-commute pa ang pobreng masahista o nagpapakarga ng pang-gasolina sa kanyang motor para lang makarating sa kanyang bahay.

“Yan din ang reklamo ng mga kaibigan kong masahista. Mahilig siyang magpa-home-service pero hindi naman niya isinaalang-alang ‘yung pagod, hirap at pamasahe namin makarating lang sa kanyang bahay. Eh, ‘yung iba nga na walk-in sa spa, nagti-tip nang medyo malaki, siya pa na home-service at may kaya talaga,” reklamo niya.

Siyempre, hubad si aktor kapag nagpapa-massage kaya naitanong namin sa masahista kung daks ba ito.

“Ay naku Sir, madidismaya kayo. Dyuts lang si ___ (pangalan ng aktor).
Ang kagandahan lang, malinis siya sa katawan at flawless siya maging sa kanyang kasingit-singitan,” pagpapa­tuloy pa ng masahista.

Sino ang silahistang aktor na ubod ng kuripot?
Medyo matagal-tagal na rin siya sa industriya, palipat-lipat din siya ng TV network at masarap magluto. (Timm­y Basil)