Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor inakusahang nangmanyak

0 238

Inireklamo ang aktor na si Tony Labrusca ng umano’y pangmomolestiya sa isang babae at pananakal sa isang lalaki noong Enero sa isang birthday party.

Ayon kay Atty. Regie Tongol, legal counsel ng mga complainant, aggravated acts of lasciviousness at aggravated slight physical injuries ang isinampa laban sa Kapamilya aktor.

Nangyari umano ang insidente habang idinaraos ang kaarawan ng kapatid ng jeweler at negosyanteng si Drake Ibay sa bahay nito sa Makati City noong gabi ng Enero 16, 2021.

Pansamantala munang itinago ang pagkakakilanlan ng mga biktima para sa proteksiyon nila.

Sinabi ni Tongol na lasing si Labrusca nang dalawang beses nitong molestiyahin umano ang kanyang babaeng kliyente.
Una, nang lapitan umano ng aktor ang biktima sa likod at ibinaba diumano ang strap ng damit nito dahilan para malantad sa ibang tao ang dibdib ng babae ng ilang sandali. Pagkatapos ay niyapos umano ng aktor ang biktima sa baywang at pinaupo sa kanyang kandungan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi rin ni Ibay na nakita niyang sinakal umano ni Labrusca ang kapatid niyang lalaki habang tinutulungan ang aniya’y ‘sobrang lasing’ na aktor na bumaba sa hagdanan.

“That night was very traumatic to my clients as it is their first time to be victimized like this especially unexpected from one of the most idolized actors of the country presently. Mr. Labrusca being a public figure and a foreigner must learn not to be abusive of women,” ani Tongol.

Samantala, inihayag ng kampo ni Labrusca na haharapin nila ang mga isinampang reklamo at lalabas din ang katotohanan hinggil sa sinasabing insidente.

Subalit tumanggi pa muna ang legal counsel ni Labrusca na si Atty. Joji Alonso na magbigay ng pahayag dahil hindi pa umano nila natatanggap ang opisyal na mga kopya ng mga reklamo.

Hiniling din nito sa publiko na mag-ingat sa panghuhusga batay lamang sa mga alegasyon at walang basehang pahayag.
“We welcome the legal process taking its course, where in the end, the truth shall always prevail,” ani Alonso sa isang pahayag. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.