Abante Tonite Interactive

Aktor inggitero sa katambal

By
0 3,053

Marami pala ang maluwag na nga­yon ang paghin­ga at ‘di na nagdadabog pa ang bangs kasi nga, wala na ang isang aktor sa kanilang istasyon.

Ayon sa aking impeachabl­e source, ma­rami raw kamaldituhan at pagmamagaling ang nasabing aktor.

Halimbawa, sa isang drama kung saan kasama niya ang palagian niyang katambal, harapan nitong pinupuna at tinanong ang mga manunulat ng dula ‘pag kakaunti ang kanyang mga eksena.

Meron pa raw itong emote dati na inaway ang produksyon matapos ma­laman na ang kapwa niya artistang lalaki, may sari­ling stylist samantalang siya ay wala.

Hindi niya alam na sa­riling gastos ito ng kapwa niya artista kaya may s­tylist. Nagmarkulyo raw ito in a major, major way.

Hate na hate rin pala nitong aktor na ito ‘yung maging touchy-feely sa mga fan, o maging sa mga entertainment writer. Pabalat bunga lang daw ang pagyakap nito sa kanyang mga taga-suporta, fan o reporter man.

Naku, kung ganito pala si aktor, sa bago nitong ta­hanan ngayon, hindi kaya bait-baitan lang siya at sa lalong madaling panahon, eh lalabas rin ang tunay nitong pag-uugali? Kung sadyang ganyan siya, hindi na magtataka ang madlang pipol kung papasok siya sa taunang You’ll Never Make It List ko, huh!

Baklang kambal ahas

May isang aria ang seasoned female writer sa isang social networking site kung saan isinambulat niya ang kanyang damdamin, dismaya at galit sa mga taong para sa kanya ay ugaling ahas at traydor.

Palaisipan sa lahat kung sino ang pinatutungkalan ni seasoned female writer. Marami ang humuhula. Inoobserbahan kung sino ang nasa sphere of her things.

May dalawang panga­lan na palihim na bi­nabanggit sa palitan ng personal message. Laging­ ‘no, nada, nay’ ang re­aksyon sa mga personaheng pinag-iisipan na ma­aaring tinutukoy ni seasoned female writer.

Hanggang ang diva that you love, ang aking impeachable source, ibinulong kung sino ang mga traydor at ugaling ahas.

Hindi ako makapaniwala sa kanyang mga pi­nangalanan. Mga maricon din ang inaakusahang mga traydor. Hindi ako kumbinsido na sila ang mga salarin dahil kapwa propesyonal at mababait sila sa akin. Kaibigan ang turing ko sa kanila.

Hindi ako sigurado sa personal na relasyon nila sa seasoned female writer pero ‘yung isa sa kanila, nakatrabaho pa niya. ‘Yung isa rin, magiliw at ginagalang ang turing sa kanya. Ayokong manalig na siniraan nila ito sa isang politikong artista at nakarating ang sumbong kay seasoned female writer.

Ano nga kaya ang susunod na kabanata sa tampuhan pa nga ba, o away na talaga sa pagitan ni seasoned female writer at mga inaakusahang baklang kambal ahas?

Kung magkakasalubong kaya sila sa isang showbiz event, plastikang umaatikabo o irapan at isnabang nakakamamatay ang kaganapan?