Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor inisnab ang datung ng beki

0 226

Malayuang pagsaludo ang nararamdaman ng mga taga-showbiz kapag nakikita nila ang isang dating young actor na hindi nasilaw sa karangyaan ng buhay.

Produkto siya ng isang malakihang talent search, hindi man siya ang nagwagi ay nakuha niya ang paghanga ng ating mga kababayan dahil sa pinagmulan niyang payak at mahirap na buhay, ‘yun ang naging tulay niya sa tagumpay.

Nakilala ang young actor, sa kanilang grupo ng mga bagets stars ay nakaungos ang kanyang pangalan, dahil guwapo siya at may bitbit na talento.

Kuwento ng aming source, “Maraming nagkagusto sa kanya, kasi, low key ang bagets. Sa grupo nila, e, siya ang napakadaling kausapin. Hindi siya nagpapaimportante, marunong siyang makisama.

“Saka wala siyang ere, gustung-gusto siya ng mga faney, nakasakay na sa van ang lahat ng mga kasamahan niya, siya na lang ang naiiwan na pumipirma ng autograph at nagpapa-picture!” unang papuri ng aming impormante sa male personality.

Nagkaroon ng star aura ang bagets actor. Lalo siyang gumuguwapo, gumanda pa ang kanyang katawan, napakalakas ng dating niya sa mga becki.

SM food to go Banner Ad

Kuwento uli ng aming source, “Yumaman na sana agad ang bagets na ‘yun, e! Pero hindi siya pumatol sa isang kilalang becki. Kung anu-ano ang ipinangangako sa kanya ng backlush, pero deadma lang ang bagets!

“Lalong na-challenge ang becki, hindi niya ma-take ang pangdededma sa kanya ng bagets, walang lalaking gumagawa sa kanya ng ganu’n! Lalo pa siyang pinadalhan ng kung anu-ano ng becki. Magagarang sapatos, mamahaling outfit, may promise pa ang becki na tutulungang mag-business ang kanyang pamilya.

“Deadma pa rin ang bagets! Iniimbitahan siya ng becki na magkita sila, hindi siya nagpupunta! Inis na inis ang becki, walang tumatanggi sa kanya ng ganu’n-ganu’n na lang!

“Kaya maraming humahanga sa bagets actor, hindi siya nasilaw sa karangyaan na gustong ibigay sa kanya ng becki! Pinagtrabahuhan niya ang lahat ng meron siya ngayon.

“E, ano ba kung araw-araw siyang magtuhog ng barbecue, at least, maipagmamalaki niya ang pinanggalingan ng pera niya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.