Abante Tonite Interactive

Aktor isinalba ng halalan ang paghihirap

By
2,559

Mabuti naman at natuloy na at last ang baranga­y election. Karamihan sa mga nanalo ay mga dati nang nasa puwesto. Sa tagal nga naman nila sa puwesto (sa dami ng local election postponement) dapat malalim na malalim na ang camaraderie nila sa buong­ nasasakupan.

Sobrang hate kang barangay opisyal ng mga kabarangay mo kung natalo ka na re-eleksyonista ka.

Rapsa sa pakiramdam ng aktor, ang mahal niya sa buhay ay bagong halal na kapitana sa kanilang mayaman na pook.

Kaya ang bagong pu­westo ng karelasyon ay malaking tulong sa ka­nilang pamilya.

Kaya daig pa ng buwanang allowance ni bagong kapitana, ang suweldo ng isang mayor sa isang 5th class municipality.

Kahit abutin ng siyam-siyam ang next project ni mister-aktor, nakahihinga pa rin siya nang mabuti, si Mahal ay makukunan ng pang-araw-araw na gastusin.
Pang-basic bills at kung anik-anik.

Salamat sa mga cons­tituent.

Sumikat ang aktor noong kabataan niya pero hindi pa rin na­ging maganda ang career niya.

Manaka-naka lang ang offer ng mga TV series.