Abante Tonite Interactive

Aktor kailangang magpatingin sa doktor

549

Masakit ang paglalarawan ngayon ng marami tungkol sa isang pamosong male perso-nality. Kailangan na raw niyang makipagkita sa kanyang doktor.

Malayo na raw kasi sa katotohanan ang mga ginagawa niyang atake ngayon sa kanyang buhay at career. Marami raw sinasayang na panahon at pagkakataon ang magaling pa namang aktor.

Pero abala sa pagdedepensa sa kanya ang maraming personalidad na nagkaroon ng pagkakataong makasama nang matagalan ang nawawalang aktor sa gitna ng laban ngayon.

Sabi ni Actor A, “Nasa- bik lang sa privacy niya ‘yung tao, ganyan na ang sinasabi ng iba d’yan? Ninanamnam lang nu’ng tao ang matagal na niyang kinasasabikang kapribaduhan, kaila-ngan nang magpatingin sa kanyang doktor? Agad-agad?”

Komento naman ni Actor B na kailan lang ay nakasama niya sa isang malaking pagtitipon, “Nakasuot lang ng shades kahit gabi na, e, iba na agad ang interpretasyon ng iba d’yan?

“Nagpatubo lang siya ng balbas at bigote na hindi niya magawa-gawa nu’n dahil sa continuity ng mga eksena niya, may sayad na agad-agad?

“E, may batas bang pinaiiral sa pagsusuot ng shades? E, kung sa gusto niyang magsuot nu’n kahit walang sikat ng araw, krimen na ba ‘yun? May nasagasaan ba siya sa pagsusuot ng shades?

“E, gusto niyang magpahaba ng balbas at magpatubo ng bigote, crime na rin ba ‘yun? E, kung sa gusto niyang maging ermitanyo ang itsura niya, ano naman ang masama du’n?” inis nitong depensa sa kanyang kaibigan.

Maraming hindi nakasakay sa trip ngayon ng sikat at magaling na aktor. Hindi naiintindihan ng iba na pinagdamutan siya ng pagkakataong ma-ging siya.

Ngayon pa lang niya nagagawa ang mga gusto niya na malabo ang rehistro para sa mga hindi nakakakilala sa kanya.
***

Alex nasapol ang kalaban ng tatay

Anumang araw ngayong linggong ito ay inaasahan ng marami ang personal na pagdalaw ni Alex Gonzaga kay Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque. Walang iba kundi panghihingi ng paumanhin ang kanyang pakay.

Nagkausap na rin kaya sila ng tumalong mayor ng Taytay sa kanyang ama? Isang bato lang ang ipinukol ni Alex pero dalawang ibon ang nahagip niya. Ang mayor ng Parañaque at ang tumalo sa kanyang ama.

Naniniwala kami na wala sa puso ni Alex ang manakit nang personal, sa edad niya ngayon ay alam na niya ang tama at mali, pero hindi niya talaga nabantayan ang kanyang dila.

Balita ng aming source ay nakahanap na siya ng padrino sa paglapit kay Mayor Edwin, ang misis ni Vandolph na si Jenny Salimao, kasalukuyang Barangay Chairman ito ng La Huerta.

At ganu’n din lang na buo naman sa puso ni Alex ang panghihingi ng paumanhin sa mayor ng Parañaque ay itigil na niya ang katwiran na wala naman siyang binanggit na pangalan.

Tama, wala siyang binanggit na pangalan, pero sino ba ang kanyang pinatatamaan? Sino ba ang katunggaling mayor ng inakyatan niyang entablado sa Parañaque?

Sino rin ba ang kalaban sa pagka-mayor ng kanyang ama sa Taytay? Hampas sa kalabaw sa kabayo ang latay ng pinakawalang salitang mandurugas ni Alex Gonzaga. Walang labis at walang kulang.

Sensitibo ang sitwasyon ngayon ni Alex. Sa abot ng aming kaalaman ay bawal
makilahok sa pulitika ang mga nag-eendorso ng produkto. ‘Yun ang dahilan kung bakit maraming napapalampas na biyaya ang mga endorsers na artista.

Party-list ang ineendorso niya, pero direktang pulitika pa rin ang nakasasakop du’n, kaya nga idinadaan ang panalo sa boto ng bayan.

Napakahalaga ng imahe sa pag-eendorso ng mga produkto. Marami pa namang TVC si Alex. Kulang na lang yatang iendorso niya na rin pati ang gamot na pamatay ng bulate sa tiyan.

Epektibo pa siyang vlogger. May sarli siyang YouTube channel na pinapasok din ng mga advertisers. Kung ganyan na napapagitna siya sa isang isyu ng hindi kagandahang-asal ay mangingimi na siyang kunin ng mga ahensiya.
Kaya wala siyang ibang aksiyon na dapat gawin ngayon kundi ang humingi ng
paumanhin sa mga pulitikong nasaktan niya – direkta man o hindi.
‘Yun ang dapat at nararapat gawin ng taklesang aktres.