Abante Tonite Interactive

Aktor lugi ang show sa abroad

306

Naloka ang isang booker sa ma­nager ng ­aktor. Napakamahal ang presyo nito. Kinuha kasi niya ito for a print ad commercial at halos tumambling siya nang marinig ang presyo nito. Tumataginting na P8 million.

Hindi naman superstar si aktor. Support roles lamang naman ang madalas makuha nito bago mabigyan ng bida role.

Ganito rin ang nangyari sa show abroad ni aktor kung saan nalugi ang producer dahil sa laki ng talent fee. Ending, kinansela na lamang ang show nila sa Amerika dahil wala pa sa kalahati ang bumili ng tickets for the said show.