Abante Tonite Interactive

Aktor mabantot

725

ROMMEL PLACENTE: Mga ka-Cua­tros, hanggang ngayon pala ay may problema pa rin sa hygiene ang isang aktor. Kung noong kabataan niya, kapag pinapawisan siya ay nagkakaroon siya ng pu­tok/anghit, kahit pala ngayong may asawa na siya ay mabantot pa rin siya.

Ayon sa isang reliable source, na kasamahan natin sa panulat, nu’ng nagkita raw sila ng aktor sa isang event ay niyakap siya nito. At masuka-suka raw siya sa amoy ng aktor dahil masangsang ito.

Mga ka-Cuatros, ‘di ba dapat ang mga artista ay laging malinis at mabangong tingnan? Hinahangaan sila e. Dapat hindi nila hahayaang mapipintasan sila lalo na sa kalinisan sa katawan.

Anong masasabi ninyo sa bida sa ating blind item mga ka-Cuatros? Hanggang ngayon na may edad na siya ay guwapo pa rin naman. Hindi tumatanda ang kanyang hitsura. Nagsimula siya noon bilang isang child actor at mahusay siyang aktor kaya naman nagkaroon na rin siya ng acting award.

RODEL FERNANDO: Kilala ko ‘yang tinutukoy mo, Rommel. Hindi lang may masamang amoy ‘yan sa katawan. Pati sa pananamit niya ay napapansin siya ng kanyang mga katrabaho.

Kuwento sa akin ng handler ng isang sikat na Kapuso star ay parang dugyot kung manamit daw siya.

Napaisip tuloy ang handler kung wala raw ba itong magagandang damit kung bakit ganoon na lamang ang mga sinusuot niya. Hindi naman daw siya naghihirap kasi may business naman ang pamilya at may pera naman ang asawa niya.

Siguro hindi lang talaga banidoso ang aktor na ito kaya wala siyang pakialam sa itsura at amoy niya. Pero bilang aktibo siyang muli ngayon sa telebisyon ay dapat bigyang-pansin niya ang mga bagay na ito. Sa totoo lang, nakaka-turn off kung mabaho ang amoy lalo pa’t artista ka.

Anyway, mabaho man ang katawan o pangit man manamit si aktor ay hindi pa rin puwedeng balewalain ang katotohanan na hanggang ngayon ay guwapo pa rin siya. Marami pa rin ang nagpapantasya sa kanya na kababaihan at kabadingan. Hindi ba Mildred Bacud?

MILDRED BACUD: Kasikatan pa nga ng aktor ang balitang ‘yan pero nakakaloka lang na hanggang sa pagtanda niya ay hindi niya inayos ang sarili. Bilang aktibo muli sa showbiz, he has something to do about it lalo’t sa huli niyang serye ay may mga eksena siyang yakapan.

Punta siya sa eksperto kung paano ba mawala ito. Tulad din kasi ng body odor ang bad breath na sa loob ng katawan natin nanggagaling. May mga artista rin kaya ang may halitosis. Siyempre bilang mga manunulat, ilang artista na rin ang nai-interview natin nang malapitan kaya ilang bunganga na rin ang ating naamoy. Ilan sa kanila, mga sikat pa. Sey ng aming friend na doktor, may medical at psychological explanation ang mga ito.

RONALINE AVECILLA: Isa kaya ‘yan sa dahilan kaya hiniwalayan na siya ng misis niya? Bwahaha!

Naku, isa pang mukhang mabahong tingnan ngayon ay si John Lloyd Cruz.
Siguradong mabango naman siya pero sana magpagupit na siya ng buhok at ahitin ang balbas.

Kahit gusto niyang maging ordinar­yong tao, sana ‘wag pabayaan ang sarili. Ayusin pa rin niya ang sarili niya.