Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor mahilig sa libre

0 209

Mr. Ex-deal pala kung bansagan nu’n ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang isang guwapong aktor na impernes ay sumikat naman. Kakambal na rin ng male personality na ito ang kontrobersiya mula nu’n hanggang ngayon.

Dahil sa sobrang kakuriputan ag aktor ay palagi lang siyang umaasa sa mga ex-deal, sa mga produktong libre, hindi na nga naman siya kailangang humugot pa ng datung sa kanyang saradong bulsa.

Kuwento ng aming source, “Napakahilig niya talaga sa sponsorship! Ayaw niyang maglabas ng pera, super-kuring ang male personality na ‘yun! Nabubuhay siya nu’n sa mga ex-deal!

“At hindi niya ipinamimigay ‘yun, talagang ginagamit niya at iniipon para pagdating ng Pasko, e, ‘yun na lang ang ipinangreregalo niya sa mga production staff!” sariwang-sariwa pa sa alaala ng aming source ang kakuringan ng male personality.

Meron na siyang tinanggal na piloto nang dahil lang sa kanyang mga ex-deal na t-shirts. Kulang ang bilang ng mga idineliber sa kanya ng kumpanya pero ang pinagbintangan niyang nangnenok nu’n ay ang kanyang driver.

Patuloy ng aming impormante, “Nakakaawa naman ‘yung driver niya, hinusgahan niya agad na kumuha ng t-shirts na ka-ex-deal niya. Wala namang alam du’n ang piloto niya!

“Ayun, tinanggal niya ‘yung pobre, nakakaawa naman ‘yung tao, samantalang kulang naman pala talaga ang naideliber na mga t-shirts niya!

“Ganu’n siya katindi, sa sobrang kaabalahan niya sa shooting, e, nakukuha pa niyang bilangin nang isa-isa ang mga delivery niya! Ibang klase talaga ang kakuringan ng guwapong male personality na ‘yun!” humahalakhak na dagdag-kuwento ng aming source.

Hindi na kataka-taka ang mga kuwento kung bakit napakabilis maubos ng mga grocery items sa pantry nila ng misis niyang aktres, du’n na kasi siya kumukuha ng mga dinadala niya sa house nila ng family niya kapag dumadalaw siya, nakakalokah!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mula nu’n hanggang ngayon, e, sarado pa rin ang mga palad ng male personality na ‘yun, sobrang kuring siya, araw-gabi siyang bilang nang bilang ng mga ex-deal niya!” tawa pa rin nang tawang pagtatapos ng aming source.

Nagbanta kay Soberano lagot

Tinuluyan ni Liza Soberano na sampahan ng kasong cybercrime ang isang staff ng Converge na nag-post ng malisyosong banta laban sa kanya.

Isyung rape na naman ang pinag-ugatan ng demandang ito na tulad ng nangyari sa anak nina Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan.

“Sarap ipa-rape sa… ewan!” post ng empleyado ng telecommunications company. Humingi na ng dispensa ang staff, inilabas din nito ang kanilang kumpanya sa kanyang ginawa, pero hindi ‘yun nakapigil sa magandang aktres para kasuhan ito.

Ginagawang biro ng ibang tao ang kasong rape. Parang wala silang kamalayan tungkol sa krimen ng panggagahasa. Tanging kayamanan ng babae ang puri na inilulugso.

Kasing seryoso ng ganu’ng kaso ang pagsasabing may bomba sa bagahe ng pasahero ng eroplano. Marami nang naparusahan tungkol sa ganu’ng biro, marami nang nabigyan ng leksiyon, dahil buhay ng maraming tao ang nalalagay sa peligro sa ganu’ng biro.

Panahon na talaga para bigyan ng leksiyon ang mga taong hindi muna nag-iisip nang maraming beses bago mag-click. Seryoso ang rape, krimen ang pagbabanta ng panghahalay sa mga kababaihan, tama lang ang desisyon ni Liza Soberano na seryosohin ang bagay na ito.

Siguradong sising-alipin ngayon ang empleyado ng telecommunications company na nag-post ng pagbabanta kay Liza Soberano, hindi ito kinunsinti ng kumpanya, dahil personal na FB account ng babae ang ginamit sa pagbabanta sa aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.