Abante Tonite Interactive

Aktor mahilig sumingit

454

Hindi na nagulat ang kampo ng isang sikat na male perso-nality sa ginawa ng isang nagkakaedad nang aktor sa taong dapat niyang tanawan ng utang na loob.

Wala na silang na-ging reaksiyon kundi ang pagtingala sa kisame, alam na alam din kasi nila ang kuwento kung paano siya tinulungan ng sikat na la-laking personalidad nu’ng mga panahong madilim ang kanyang mundo, pero nakakaalala man lang ba ang male personality na mangumusta sa nagsalba sa kanya nu’n?

Kuwento ng aming source, “Hindi basta-basta tulong lang ang ginawa sa kanya nu’ng sikat na male personality, milyunan ‘yun!

“Walang-wala siya nu’n, ang dami niyang kasong kailangang harapin, lumapit siya du’n sa male personality. E, kilala naman sa pagiging matanaw ng utang na loob ang nilapitan niya, di ba?

“Pero pagkatapos niyang makuha ang gusto niya, ni ha, ni ho, e, wala nang naramdaman sa kanya ‘yung sikat na male personality! As in!

“Ganu’n pala kasi talaga ang ugali ng tumatanda nang lalaking personalidad na ‘yun. Magaling lang siya kapag may kailangan, pero kapag nakuha na niya ang gusto niya, e, deadma na siya!

“Maigsi ang memor-ya niya, kung sino ang meron na makatutulong sa kanya, du’n siya! Para siyang langgam, kung nasaan ang asukal, nandu’n siya!” nakairap na kuwento ng aming impormante.

May tatak na ngayon ang male personality, mangga na nga ang tawag sa kanya ng mas nakararami ngayon, ipinaglihi raw siya sa manggang hinog sa pagiging manggagamit.

Sanggang-dikit niya ngayon ang isang pulitikong ilang dangkal lang ang layo sa makapangyarihang personalidad sa ating bansa.

Pahabol pa ng aming source, “Ang tawag sa kanya ng mga tauhan ng powerful na taong ‘yun, e, singit! Siya pala ang tinutukoy ng grupo, dahil mahilig siyang sumingit!

“Huwag na tayong magugulat kapag one day, e, ibang pulitiko na naman ang buntunan niya. Baka kasi mas maraming asukal sa poder ng lilipatan niyang kampo,” pagtatapos ng a-ming source.
***

Arjo nanlalamon ng kaeksena

Ang tunay na magaling na artista, itago man sa kahon ay siguradong lulutang, hindi naitatago ang natural na husay sa pag-arte.

‘Yun mismo si Arjo Atayde, kahit anong papel ang gampanan ng maga-ling na aktor ay naitatawid niya nang buong husay, nasa puso kasi niya ang pag-arte.

Ibang klase ang acting ni Arjo sa The General’s Daughter bilang isang autistic na anak ni Maricel Soriano. Hindi siya bumibitiw sa kanyang karak-ter, anumang pagbabantay sa kanyang pagganap ang gawin mo ay napaka-consistent niya, ganu’n ang tunay na anak ng sining.

Sabi ni Maricel na pina-lakpakan ng manonod sa magaling nitong pag-arte sa komprontasyon nila ni Janice de Belen, “Marami na akong nakakasamang artista, pero ibang-iba itong si Arjo! Sabi ko nga, minsan-minsan, e, makakakita tayo ng artistang nasa puso ang pagmamahal sa craft niya!
“Si Arjo, hindi mo siya masisilipan ng butas sa role niya bilang si Elai. Yakap na yakap niya ang role, hindi siya naliligaw!

“Ako, tinitingnan ko siyang mabuti sa mga eksena namin bilang mag-ina. ‘Yung hand gestures niya, ‘yung tono ng pagsasalita niya, ‘yung tingin niya, ‘yung paglakad niya, tinitingnan kong mabuti ‘yun!

“Never ko siyang nakitang bumitiw sa character niya, baka nga hanggang sa house nila, e, bitbit pa rin niya ang pagiging si Elai niya!

“Magaling! Mahusay umarte si Arjo, saka humble siya, walang kaangas-angas! Ako mismo kapag umaarte na siya, wala ako sa eksena, pero pinanonood ko ang acting niya.

“Napakagaling ni Arjo, nakaka-challenge siyang katrabaho, nanglalamon siya ng kaeksena!” sinserong paglalarawan ni Marya kay Arjo Atayde.(Cristy Fermin)