Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor makalat ang dyowa

0 163

Kung takbo ng utak ang pag-uusapan ay swak na swak ang magkarelasyong aktor at female personality. Walang problema sa kanila, mabilis silang nagkakaintindihan, magka-wavelength sila.

Pagdating sa mga kalokohan sa buhay ay ganu’n din sila, nagkakasundo ang magkarelasyon sa kanilang mga pinaggagagawa, super-swak din sila.

Kuwento ng aming source, “Pero meron din silang malaking pagkakaiba, sa anggulong ‘yun sila hindi nagkakasundo, magkaibang-magkaiba sila, promise!

“Pareho silang laking-mayaman, pero magkaiba ang kinasanayan nilang buhay. Kung marunong magtrabaho sa bahay ang male personality, ang girl naman, e, lumaking parang reyna!” unang sultada ng aming source.

Nag-aral kasi sa iba-ibang bansa ang male personality, wala siyang kasamang kasambahay, kahit pa kayang-kaya naman niyang magsama dahil super-yaman ang kanilang pamilya.

Ang female personality naman ay lumaking pinaliligiran ng mga kasambahay, palibhasa’y spoiled sa kanilang pamilya, kaya lumaking wala halos alam sa mga trabahong bahay.

Balik-kuwento ng aming source, “’Yun na nga! Napaka-OC ng guy, super-linis niya sa house, walang mga kalat-kalat sa tirahan niya, maayos sa buhay ang male personality!

“’Yun ang hindi nila pinagkakasunduan, makalat si girl, pinababayaan lang siya ngayon ng male personality dahil bago pa lang sila, pero eventually, e, kailangan niyang turuang mamuhay ang babae!

“Pinakaayaw pa naman ng male personality ang mga kalat. Maayos siya sa lahat ng bagay. Kitang-kita naman ‘yun sa personality niya, di ba?

“Puwede kang manalamin sa linis ng shoes niya, kahit sa kotse niya, puwede mong kainan ang makina, ganu’n siya kalinis!

“E, kumusta naman ang girl? Waley! Makalat siya, kain nang kain ng mga chichirya, pero kung saan-saan niya naman itinatapon ang mga pinaglagyan!

SM food to go Banner Ad

“Ewan lang kung magtagal sila, ha? Ewan lang kung kayang ma-take ng guy ang nakasanayan ng girlfriend niya!” tawa pa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Alden kinama si Jasmine

Siguradong magbabanta-sisigaw na naman ng boykot ang ibang miyembro ng AlDub Nation dahil hindi lang kissing scene ang mamamagitan kina Alden Richards at Jasmine Curtis kundi pati bed scene.

Painit na nang painit ang kanilang mga eksena sa seryeng The World Between Us, pilit silang pinaghihiwalay, pero sabayan nilang ipinaglalaban ang kanilang relasyon.

Ipinakita na ang kanilang kissing scene, ingat na ingat ang direktor sa eksekusyon ng eksena dahil halatadong pinagdikit lang ang mga labi nina Alden at Jasmine pero walang paggalaw, kasunod nu’n ay ipalalabas na ang kanilang bed scene.

Mag-aaklas na naman ang mga AlDub faney, galit na galit na naman sila dahil bakit si Jasmine ang kasama ng Pambansang Bae sa halikang eksena, bakit hindi si Maine Mendoza?

Hanggang ngayon ay wala pa ring pagsuko ang grupo, may kani-kanyang buhay na ang kanilang mga idolo, pero pilit pa rin nilang pinag-uugnay.

May kaibigan kami na habang nakatutok sa serye ay binibilang pa ang mga TV commercials ng palabas. Tadtad nga naman sa patalastas ang The World Between Us, ilang eksena lang ay commercial na naman, ang bilis-bilis ng gap.

Du’n makikita kapag sinusubaybayan ng publiko ang programa, pinapasok ng mga patalastas, rating kasi ang ginagawang barometro ng mga ahensiya sa pagpapasok ng kanilang mga produkto.

Walang pande-pandemya para sa mga personalidad na mahal ng ating mga kababayan, walang dahilan para hindi sila subaybayan, tulad ni Alden Richards.

Leave A Reply

Your email address will not be published.