Abante Tonite Interactive

Aktor malakas umungol

By
1,993

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioKung ang iyong kasintahan ay may kakayahan kang paligayahin, ang iyong malalakas na ungol ba ay sapat na patotoo para masabing spectacular ang orgasm na inyong pinagsaluhan?

Ayon sa isang balitang bulag, may housing problem daw ngayon ang isang aktor dahil nga ‘pag nakikipag-sexual congress ito sa kanyang iniirog, go for gold ang kanilang maingay at eskanda­long expressions lalo na pagmalapit na silang bulwakan at maabot ang rurok.

Dahil nga hindi naman sound proof ang apartment, ang kanilang katabing apartment, ang mga daing dahil sa sarap, malalim na hininga at ungol, ang coupling of the couple in heat, pang-Dolby Surround talaga.

Nireklamo nga kaya talaga ang dalawa kaya may chance na nga ba na sa ibang pugad na sila titira? Hindi naman kaya sa lilipatan naman, ang mga kapit balay naman nila ang mawindang just so in case?

Isa pa, ground ba talaga para paalisin ang mapusok na magsing-irog? What they do inside the confines of their bedroom and apartment, business na nila iyon at hindi naman dapat gawing major issue para sila ay mapaalis lalo ba nga kung good payer naman ang aktor na maru­nong magpaungol at sumasabay sa ungulan.

Sa aking pagsasaliksik, may katotohanan nga bang ang aktor na good and noisy in bed ay ang lalaking minsan ay kasama sa isang top rating primetime drama? At ang happy jowa niya ay isang mahusay na manlalaro?

Naku, naku, dahil sa chikang ito, may alternative career na si aktor, pasok ba banga na siyang maging porn star, huh! Hahahaha!

 

Regine haharangin sa paglipat

 

Patapos na ba ang kontrata ni Regine Velasquez-Alcasid sa GMA 7 kaya may mga bulong-bulungan at usap-usapan na lilipat na siya sa Mother Ignacia station?

May katotohanan nga ba ang chika na kahit bongga naman ang Sarap Diva ratings at may maiikli siyang song numbers dito, hindi talaga masaya ang Asia’s Songbird kasi nga gusto niya talaga ay pangmalakasang musical variety show?

Eh kamusta naman ang kanyang pagiging host sa The Clash? Wala nga ba siyang nakukuhang artistic fulfillment sa dramang parang referee lang siya na ang main role eh itaas ang braso ng piniling clasher at miss na miss na niya ang pangma­lakasang umawit?

Mawawala na nga ba sa ere ang The Voice? May problema nga ba talaga sa nasabing franchise at malaki nga ba ang posibilidad na ang ipapalit rito ay Philippine Idol, kung saan si Regine nga ba ang magiging isa sa mga judge?

Sino kaya ang makakasagot sa mga tanong?

Ang mga taga-Kamuning network, aware kaya sila sa mga tanong na ito? Dapat ba nilang ikabahala na may mga damdamin pala ang Songbird na hindi nila alam? Ano nga ba ang dapat gawin para maging maligaya si Regine at manatili sa pagiging Kapuso? Maharang kaya nila ang chism na pag-ober da bakod?

***

Ano kaya ang reaksyon nina Rainier Castillo at Rocco Nacino ngayong engaged at to be married soon na ang nakalipas nilang ‘di na maaring balikan na si Sheena Halili?

Jeron Manzanero ang name of Sheena’s husband to be na ang proposal ay nangyari sa isang sinehan.

May pa-video siyempre with matching pag­luhod mula kay Jed at pa-singsing of course at hindi na nag-inarte pa si Halili, yes agad ang hitad.

Ngayon pa lang congrats Sheena at Jeron, uunahan ko na sila, mabuhay ang bagong kasal!