Abante Tonite Interactive

Aktor muntik nang magbenta ng katawan

1,624

tonite-no-thanks-cristy-fermin

Ayon sa isang source na nakakakilala sa isang young male personality­ mula ulo hanggang paa ay siguradong mamahalin na niya ang magagandang oportunidad na dumarating sa kanyang career ngayon.

Dapat lang, sabi ng aming impormante, kung ayaw niyang mahulog sa bitag ng perang mabilis lang kitain pero kapalit naman ang kanyang katawan. Konting-konti na lang pala at mapapabilang na ang young male personality na ito sa mga kabataang pagpapasa-pasahan ng mga becki dahil sa kanyang tinding at kaguwapuhan.

Kuwento ng aming source, “Mabuti na lang at sinuwerte siya. Maliliit na roles lang muna ang ibinigay sa kanya sa isang network, hanggang sa lumaki na nang lumaki. At dumami na nang dumami!

“Nakaligtas siya sa kumunoy na maglulubog sa kanya. Minsan na kasing nabanggit ng isang friend niya na kung hindi pa rin siya susuwertihin sa pag-aartista niya, e, nagpapahanap na rin siya ng booking.

“Sanay na sa booking ang kaibigan niya, pero salamat na lang, nu’ng tawagan siya ng friend niya, e, may ginagawa na siyang project,” simulang kuwento ng aming source.

Napapanood na ang young male persona­lity sa maraming palabas ng network. Hindi man siya ang bumibida ay markado ang mga papel na ibinibigay sa kanya. Pagkatapos ng isang serye ay meron na namang kasunod na proyekto ‘yun, wala siyang pahi­nga, kaya deadma na siya sa booking na malapit na malapit na niyang pasukan nu’n.

“Mabuti na lang! Mabuti na lang at tumiyempo ang mga raket niya sa isang panahon na malapit na siyang makipagbukingkingan! Marami pa namang nagwi-wish namakasama siya, dahil ang sabi ng mga becki, masarap siyang ulam, kaya kanin na lang ang kulang!

“Mamahalin na niya ang career niya, hindi na siya magpapabaya, or else, mapapabilang siya sa mga bagets na naghihintay ng booking kahit wala naman siyang flight!” natatawang pagtatapos ng aming impormante.

Herbert binura ni Willie kay Kris

Pansamantalang nawawala sa eksena ngayon si Mayor Herbert Bautista sa buhay-pag-ibig ni Kris Aquino. May mga nagkokomento na sinukuan na raw ng aktres-TV host ang mayor ng Kyusi.

At kahit ang mga tagasuporta ni Kris ay deadma na rin kay mayor, meron silang bagong minamanok para kay Kris, si Willie Revillame. Meron na silang itinatag na pangmilenyal na tawag sa dalawa — WilKris.

Parang KathNiel, parang LizQuen, parang JaDine, ganu’n. Pero maaga pa lang ay kinontra na agad ni Kris ang gustong mangyari ng kanyang mga loya­lista. Si Willie ay ganu’n din, tawa nang tawa ang aktor-TV host, wala raw naman sanang ganyanan.

Nagsimula ang lahat nang personal na dalawin ni Willie ang kagagaling pa lang sa ospital na si Josh. Kalalabas pa lang ng video sa IG ni Kris ay milyon na agad ang sumubaybay sa pagkikita nina Josh at Willie.

Ang sentimyento ng mga supporters ni Kris ay mabuti pa raw si Willie, nagpakita ng pagmamahal at pagmamalasakit kay Josh, ramdam na ramdam ng mga ito ang kaligayahan ni Josh nang makita nito ang kanyang Kuya Willie.

Pero hanggang du’n lang ‘yun. Tama sina Kris at Willie na hindi dapat bigyan ng ibang pakahulugan ang spersonal na pagkikita ng host ng Wowowin at ng panganay ni Kris.

Lumundag tayo nang malayu-layo, kunwari ay nagkaroon nga ng katuparan ang ginagawang pagsasabong sa kanilang dalawa ng mga fans, ngayon pa lang ay parang nakikinita na namin ang kalalabasan ng relasyon nina Kris at Willie.

Parang giyera mundial ang mangyayari dahil parehong matigas ang kanilang ulo. ‘Yun ang ipinagkakapareho ng da­lawa, meron silang matinding paninindigan, hindi sila kayang maniobrahin ng ibang tao sa kung ano ang gusto nila.

Napakalaki ng respeto ni Kris kay Willie, madalas niyang sabihin, “Nagpakita siya ng kabaitan at sincerity sa amin ng mga anak ko samantalang hindi naman siya nakinabang ng kahit ano nu’ng time ng mom ko at ni Noy, kaya we love him.”