Abante Tonite Interactive

Aktor na ‘daks’ kinababaliwan ng mga bebot

327

Tampulan ng kantiyaw sa kanilang tropa ang isang aktor na tawagin na lang natin sa alyas na Boy Tigas (BT).

Tatahi-tahimik si BT pero ang mga ka-close niyang showbiz friends ay alam kung gaano siya katinik sa chicks at kilala ang image niya ng pagiging kangkangero.

Kung titingnan ay parang wala namang kaelya-elya kay BT dahil hindi naman ito kaguwapuhan at hindi rin katangkaran, pero meron siyang itinatago sa gitna ng mga hita niya na ikinakabaliw ng mga bebot na nakekemerut niya.

Bukod sa tigasin ay nagmula sa dakilang lahi ni Adan si BT at alam ng tropa niya ang kanyang pagiging dakila.

Nang minsang nagkakasayahan ang magbabarkada ay nagbiro si BT na tila lumiliit na yata ang kargada niya. Biglang humirit ang isang kasama nilang girl na, “Hindi kaya!”

Ang pagkakatutol ni girl ay talagang todo sa pagkontra, na kulang na lang ay ipagsigawan nito na daks kung daks si BT dahil na-experience na niya ang kadakilaan nito.

Bilib kay BT ang tropa niya dahil may time noon na pinagsabay niyang dyowain ang dalawang hot na aktres.

May isang female celeb na nakachorvahan niya na pagkatapos ay hindi makalimutan ang pagiging biggie ni BT at ikinuwento pa nito sa iba.

May isang aktres na ipinagtataka ng mga kaibigan ni BT kung paano nito nadale, pero si BT ay quiet lang at in fairness ay hindi ito kiss and tell.

At ang bongga pa kay BT, siya ang nireregaluhan at binibigyan ng kung anik-anik ng mga bebot na nakekeblagey niya.

Yes! Ganu’n kahaba… hindi ang hair ni BT kundi ang nota niya, kaya halos sambahin siya ng mga girlash na napapaligaya niya nang bonggang-bonggah! (Allan Diones)