Abante Tonite Interactive

Aktor na nag-ober da bakod masama ang ugali

631

Isang insider ng isang TV network ang nagbalita sa amin na tila good riddance ang nangyari sa dati nilang contract actor na lumipat sa kabilang bakod. May attitude problem umano ito considering na hindi pa siya umaabot sa pagiging isang kilalang personalidad.

Nawalan umano ng gana ang mga taong tumutulong sa actor na ito dahil sa kanyang masamang ugali. Hindi na sila nabigla nang ito’y magpaalam para lumipat sa katapat na network.

Umaasa naman ang dating home studio ng actor na sana’y magbago na ito, para na rin sa sarili niyang kapakanan lalupa’t may pamilya siyang binubuhay.

Gelli-Ariel hirap mawalay sa 2 anak

Ang pagsasama bilang mag-asawa nina Gelli de Belen at Ariel Rivera ay isa sa maituturing na pinaka-successful in showbiz. Buo pa rin ang kanilang pamilya after being together for over two decades. Nag-aaral ngayon sa Canada ang kanilang dalawang grown up sons na sina Joaquin at Julio na kung saan ay naka-base ang pamilya ni Ariel.

Aminado ang mag-asawa na hindi madali na mapawalay sa kanilang dalawang anak habang narito sila sa Pi-lipinas para sa kanilang trabaho as actors. But they make it a point na parati nila dinadalaw sa Canada ang mga bata sa mahahalagang okasyon . Pati na rin mga panahong libre pareho ang kanilang schedule.

Sina Gelli at Ariel ay 26 years nang together at 21 years naman bilang mag-asawa. Ang kanilang panganay na si Joaquin ay 20 years at magna-nineteen naman on November 6 si Julio. Ang dalawa ay parehong college students sa Cana- da with Joaquin taking up aviation technology.

Tubig sa binyag ng baby nina Prince Harry at Meghan galing sa Jordan River

Royal Family Watch – isa nang ganap na Kristiyano ang first born nina Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex na si Baby Archie Harrison Mountbatten-Windsor na ginanap sa isang private chapel sa loob ng Windsor Castle last July 6. Ang sere-monyas ay napaka-intimate na aabot lamang ng 25 katao.

Bukod kina Prince Harry, Meghan at si Baby Archie, dumalo rin sa binyag ang ama nina Prince William at Prince Harry na si Prince Charles, Prince of Wales at si Camilla Bowles, ang Duchess of Cornwall, si Prince William at Kate Middleton, ang Duke at Duchess of Cambridge, ang American mom ni Meghan na si Doria Ragland na lumipad pa galing Los Angeles, California. Naroon din ang dalawa sa mga kapatid ng ina nina Prince William at Prince Harry, ang yumaong si Princess Diana, Princess of Wales na sina Jane Fellowes, Baroness Fellowes at si Lady Sarah McCorquodale.

Ang seremonyas was officiated ng Archbishop ng Canterbury na si Justin Welby na siya ring nag-office sa binyag noon kay Prince Harry at sa kasal nila ni Meghan nung May 19, 2018 na ginanap sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle gamit ang tubig na galing pa sa Jordan River. Suot naman ni Baby Archie ang replica ng Honiton baptismal gown na ginamit din ng mga mga anak nina Prince William at Kate Middleton na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis. Ang replica ay kapareho sa original baptismal gown na ipinagawa nung 1841 ni Queen Victoria para sa binyag ng kanyang anak na si Princess Victoria na gi-namit ng 62 royal babies sa loob ng 123 years. In 2004, nagpagawa na si Queen Elizabeth II ng replica ng Honiton gown dahil hindi na puwedeng gamitin ang original gown na masyado nang fragile.

Si Baby Archie ay pangpito sa trono with his grandfather, si Prince Charles as the next kasunod si Prince William at tatlo nitong anak, pang-anim si Prince Harry at pangpito naman ang kanilang anak ni Meghan Markle.
Si Baby Archie ay pang-apat na apo ni Prince Charles at nasirang si Princess Diana na nasawi sa isang vehicular accident nung August 31, 1997 sa Paris, France. Fifty-eight years old na siya nu’ng nakaraang July 1.