Abante Tonite Interactive

Aktor na nakarelasyon ng aktres, makuwenta

By
3,788

KUNG ang mga kaibigan ng isang kilalang aktres na iniwan ng kanyang boyfriend ang tatanungin ay mas may dapat daw ipagpasa­lamat ang female personality sa paghihiwalay nila ng pamosong aktor.

Kung inirereklamo raw ng kampo ng male personality ang kaka­ibang ugali ng babae na mahirap ispilengin ay meron ding maisusumbat ang panig ng babae laban sa aktor.

May kakambal daw na calculator ang male personality, masyadong makuwenta, puro pera at negosyo lang daw ang pinagkakaabalaha­n ng male personality. Tutok na tutok daw ang lalaking personalidad sa kanyang business.

Komento pa ng isang kaibigan ng aktres, “Natuwa ang family ng girl nu’ng malaman nila na break na sila ni ____(pangalan ng male personality). Mala­king pasasalamat ang naramdaman nila dahil mula pala nu’ng maging sila na, e, na­ging mahigpit sa pera ang girl!

“Hindi raw magandang influence sa kanya ang guy, palagi raw siyang sinasabihan na kailangan niyang pag-ingatan ang kinikita niya. Hindi raw masamang tumulong pero dapat, e, may hangganan lang.

“‘Yun ang mga panahong guwardiyado ng girl ang kinikita niya, mabagal siyang magbigay ng tulong sa pamilya niya, kasi nga, sinasabihan siya ng guy na kailangang hawakan niyang mabuti ang pinagpapaguran niya,” sabi ng impormante.

Ibang-iba raw ang karealsyon ngayon ng aktres, nagnenegosyo rin ito, pero hindi makuwenta sa pananalapi. Ang palaging sinasabi ng lalaki ay kailangang alipinin ng aktres ang kanyang kinikita, dapat niyang premyuhan ang kanyang sarili sa sobrang pagtatrabaho, kaya nagkakasundo sila ng pananaw tungkol sa pera.