Abante Tonite Interactive

Aktor nagpasasa sa kaban ng bayan

By
3,100

Kawawang taumbayan. This actor kasi ay ‘Di Na Natuto’ ang theme song.

Never learned his lessons.

Ngayon na bottomless uli ang source ng capital ni aktor, isang mapanghamon na proyekto na naman ang inatupag.

Oo nga naman, kahit mukhang BIG NEGA na naman ang kikitain.

Obviously, may maiiwan na legacy si actor sa mga susunod na henerasyon.

Nagawa niya ang pagsasadula ng isang proyekto na hindi market ng bagong henerasyon.

Hindi na magtatanong ang taumbayan, ang mga kabataan kung ilang daang milyon ang inilaan para mabuo ang proyekto.

Adbokasiya. Ang kukuwestiyon ay babahain ng bashing.

Ano ang ginagawa ng mga troll?

Kaya siguradong lusot na naman si aktor.

Saan galing ang puhunan? Kaban ng bayan. Panahon nila kaya pasasa pa more. Lahat ng luho nasusunod.