Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor nagsinungaling sa dyowa

0 530

Sa totoo lang ay alam ng isang female personality na may karelasyon pa ang kanyang boyfriend nang pumasok siya sa eksena. Alam niya ‘yun. Alam na alam.

Kaya lang ay mas pinaniniwalaan niya ang male personality na nagsabi sa kanya na hiwalay na ito at ang isang female personality. Dahil sa pagmamahal sa aktor ay pinanindigan na lang ng female personality ang kanyang desisyon.

Kuwento ng isang source na nag-aalala para sa kasalukuyang girlfriend ng male personality, “Nakakaawa ang babaeng ‘yun. Nagsimula sa mali ang relasyon nila ng male personality, kaya siguradong hindi rin sila magtatagal.

“Alam ng girl na may karelasyon pa ang male personality nu’ng naging sila. Hindi pa break ang guy at ang isang female personality na ginawa niyang tanga.

“Nasa subconscious ng girl ‘yun. Nasa kunsensiya niya na meron silang sinaktan at tinapakan, hindi humihiwalay ‘yun sa isip niya ngayon,” simulang kuwento ng aming impormante.

Parang sinasabi ng source na kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay mangyayari rin sa iyo. Dahil alam na alam ng girl ang kuwento, siyempre, natatakot siyang gawin din ‘yun sa kanya ng karelasyon niya ngayon.

Patuloy ng aming source, “Siguradong nakukunsensiya siya ngayon pero pinanindigan na lang niya ang ginawa niyang decision. Mahal niya ang guy, ipinaglaban niya, ganu’n lang ‘yun.

“Pero may takot sa puso niya, hindi niya kayang lokohin ang sarili niya, natatakot siya na kung ano ang ginagawa niya, e, mangyayari rin sa kanya! Hinihintay na lang siguro niyang mangyari ‘yun sa kanya!” madiing sabi pa ng aming source.

Opinyon ng marami ay masyadong maramot ang male personality, sarili lang nito ang kanyang iniisip, walang pakialam ang lalaki sa kung anumang nararamdaman ng kanyang karelasyon.

“Selfish siya, makasarili, sarili lang niya ang iniisip ng mokong na ‘yun! At nabubuhay siya sa lies, ang dami-dami niyang sinasabi na hindi naman totoo at alam niya ‘yun!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nakakaawa naman ang girlfriend niya na sobrang payatot na ngayon, nakikita na ang mga ribs niya sa kapayatan. Baka palagi niyang naiisip ang ginawa nila ng boyfriend niya sa isang female personality, kaya siya namamayat nang ganyan!” madiing pagtatapops ng aming source.

Derek atat umuwi kay Ellen

Kuwento sa amin ng isang bestfriend ni Derek Ramsay ay ngayon lang nakita ng kanilang grupo ang aktor na palaging masaya. Nagkumpara ang aming kausap.

Dati raw kasi, pagkatapos nilang mag-bonding sa paglalaro (golf), ay kung saan-saan pa muna sila dumadaan para makapagkuwentuhan. Hindi muna umuuwi si Derek.

“But now, iba na. Right after the game, excited na siyang umuwi. May nakaplano na kasi silang gawin ni Ellen (Adarna) at ng mga kids nila. Wala nang kuwentuhan, hindi na kami dumadaan sa kahit saan,” obserbasyon ng kaibigan ni Derek.

Aminado naman ang aktor na napakaligaya niya ngayon, wala raw siyang kasingligaya, hindi lang basta masaya. Napakabilis na dumadaan ang maghapon para sa kanila ni Ellen kasama sina Austin at Elias.

Dahil sa pagiging totoo ni Derek hindi lang sa kanyang sarili kundi pati sa publiko ay may mga umaalma. Pero sabi ng aktor ay hindi siya magiging masaya sa pagkukubli ng katotohanan.

Makahulugan ang tanong ng kaibigan naming propesor, sabi nito, “’Yung pagiging truthful ni Derek sa pagsasabing may kinalaman ang family ni Andrea sa break-up nila, hindi si Derek ang dapat tanungin kung bakit niya nasabi ‘yun!

“Ang dapat tanungin, e, si Andrea, bakit alam ni Derek ang ganu’ng sitwasyon? Kanino galing ang mga kuwento, ang mga detalye, e, hindi naman kasama ni Derek sa bahay ang pamilya ng babae, di ba?

“May mga tao kasing kapag naiipit na, e, mabilis maghugas-kamay! Sabagay, pandemic naman ngayon, magsuot na rin sana siya ng facemask at face shield!” komento ni prop.

Leave A Reply

Your email address will not be published.