Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor nainsulto sa male personality

0 666

Kundi agad maiaayos ang problema ay mauuwi sa wala ang matagal nang pagkakaibigan ng dalawang kilalang aktor. Sayang naman kung sa ganu’n nga mauuwi ang kanilang samahan na bumibilang na nang maraming taon.

Madalas silang magkasama nu’n sa paglalaro ng golf, nagkakasundo sila sa maraming bagay, ano nga ba ang naging dahilan ng kanilang pagkakainitan?

Kuwento ng aming source, “Kailangan ba nating sisihin ang pandemya? May kinalaman ba ang safety ng lahat sa kanilang hindi pinagkasunduan?

“Sayang naman kung ‘yun nga, baka naman mahilot pa ang gap nila, sayang na sayang naman ang kanilang friendship,” unang hirit ng aming impormante.

Nainsulto kasi si Actor A sa sinabi ni Actor B na balewala lang sa kanya kundi man siya magtrabaho dahil sigurado na ang kinabukasan niya. Mula kasi sa mayamang pamilya si Actor A.

Patuloy ng aming source, “Nagalit si Actor A, para siyang nainsulto, dahil parang sa kanya isinisisi ni Actor B ang raket na tinanggap niya kung saan siya kumikita nang malaki!

“’Yun ang raket na inaasahan ngayon ni Actor B, abalang-abala siya sa kanyang project na ‘yun, kundi matutuloy ang trabaho ng grupo niya, nganga ang aabutin nila!” dagdag na kuwento ng aming source.

Ano naman ang kinalaman ni Actor A sa pinoproblema ni Actor B? Kasali ba siya sa project? Bakit sila nagkaroon ng pagtatalo?

Sabi ng aming impormante, “Kasi nga, ang isa sa pambenta ng project na ‘yun, e, direktang may relasyon kay Actor A. Kaso, hindi naman siya ang magde-decide tungkol sa work, ang girl naman, kaya ano ang kasalanan niya?

“Bakit siya kailangang insultuhin ni Actor B, e, sa kung ayaw pang sumalang sa trabaho ng girl dahil sa mataas na numero ng mga tinatamaan ng virus?

“Kasalanan ba niya ‘yun? Siya ba ang dapat sisihin sa desisyon ng girl? Bakit siya kailangang insultuhin ni Actor B? Sayang naman, mahilot pa sana ang hindi nila pagkakaintindihan.

SM food to go Banner Ad

“Kilala n’yo naman si Actor A, napakadiretso niya talagang magsalita lalo na kung nasa tama naman siya! Business naman ang concern ni Actor B.

“Sayang na pagkakaibigan, bumalik pa rin sana sa dati ang samahan nila,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

John Lloyd, Willie matagal magsasama

Masarap pakinggan ang mga kuwento ni Willie Revillame sa kabilang linya. Tungkol ‘yun kay John Lloyd Cruz at sa anak nito kay Ellen Adarna na si Elias Modesto.

Saludo siya kung paano alagaan ng magaling na aktor ang kanilang anak ni Ellen, hands-on si JLC, kuwento ni Willie.

Siguro nga ay nananalamin din si Willie sa sitwasyon ni Lloydie, may mga anak din kasi siyang wala sa kanyang poder, dumadalaw-dalaw lang sa kanya ang mga bata at sa kanilang pagsasama-sama ay bumabawi siya sa pakikipag-bonding.

Matagal silang nagkuwentuhan habang nasa beach house niya sa Mindoro ang mag-ama, diretso niyang tinanong si Lloydie kung bakit ito kailangang mawala sa gitna ng aksiyon nang halos apat na taon, diretso rin ang naging sagot sa kanya ng magaling na aktor.

“Naintindihan ko siya, totoong-totoo ang point niya. Kung minsan talaga, e, nakakaramdam tayo ng pagka-burnout. ‘Yung everyday na lang, e, nakalaan na ang oras mo sa puro trabaho.

“’Yung paggising mo pa lang, e, trabaho na agad ang destinasyon mo, hanggang sa matapos ka na nu’n! Natural, napapagod ang katawan, nabuburyong ka, kaya gusto mo namang makatakas sa daily routine paminsan-minsan,” pahayag ng aktor-TV host.

Si Willie ang gumawa ng paraan para maging bahagi si JLC ng isang malaking pagtatanghal sa June 6 para sa isang malaking kumapanyang siya ang tagapag-endorso.

At hindi lang ‘yun, pumirma rin ang magaling na aktor ng kontrata sa kanyang WBR Productions, maraming kailangang abangan sa kanilang mga planong gawing proyekto.

“Basta, matagal kaming magkakasama ni John Lloyd. Kapag natuloy ang sitcom na pagtatambalan nila ni A.T., panalo ‘yun! Sa GMA-7 siyempre ‘yun mapapanood!” masayang kuwento pa ni Willie Revillame.

Leave A Reply

Your email address will not be published.