Abante Tonite Interactive

Aktor nalusaw ang napanalunan sa casino

0 606

Sa nakaraang campaign period, masuwerte ang isang aktor dahil nakasama siya sa mga kampanya ng isang sikat na kandidato.

Isang gabi, habang galing sa kampanya, nakatihan ni aktor na dumaan sa paborito niyang hotel sa Parañaque para mag-casino.

At sinuwerte siya dahil nanalo siya ng jackpot nang gabing iyon.
Milyon ang kanyang kinabig.

At gaya ng inaasahan, naghangad pa ng panibagong panalo o jackpot ang aktor kaya gabi-gabi na naman siya sa casino.

Tawag nang tawag sa kanya ang coordinator sa kandidatong kanyang kinakampanya dahil kailangan na siya, pero cannot be reached siya.

Pinapatay niya ang kanyang cellphone para walang istorbo.

Pero hindi na sinuwerte si aktor at panay ang talo niya.
Hanggang sa namalayan na lang niya na naubos na sa casino ang kanyang napanalunan.

Ni wala siyang nabili sa milyong napanalunan niya. Ako ang nanghihinayang kay _____ (pangalan ni aktor).

Sa dami ng kanyang napanalunang pera, kahit 3 condo unit kaya niyang bilhin at pauupahan niya ito, mabubuhay na siya kahit walang kampanya.

Pero ewan ko ba sa kanya, sa loob lang ng ilang araw ay ibinalik lang din niya sa casino ang perang kanyang napanalunan,” paghihinayang ng isang taga-showbiz na nakaalam sa panalo ni aktor.

Sino si aktor? Kontrobersiyal siya lalo na pagdating sa kanyang lovelife.
Sa ngayon ay isang non-showbiz ang kanyang kinakasama at nag-swak silang dalawa dahil pareho rin silang mahilig sa casino. (Timmy Basil)