Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor namimingwit sa pag-display ng katawan

0 165

Napakaraming nang-uusisa kung bakit kailangang ipakita ng mga lalaking personalidad, kilala man o hindi, ang kanilang mga katawan sa social media.

Merong nagpo-post ng mga larawan nila habang nasa gym at tulo-pawis ang mga itsura. Meron namang kinukunan talaga ng close-up ang kanilang abs.

May mas malalim daw bang dahilan ang kanilang ginagawa o merong pailalim na dahilan ‘yun? O basta trip-trip lang ang kanilang ginagawa?

Kuwento ng isang source, “May mga artistang wala lang, basta gusto lang nilang ipakita kung ano ang nagagawa ng pagdyi-gym sa kanila. Walang ibang reason.

“Pero may iba naman na may kakaibang motive ang paglalabas nila kung gaano kaganda ang body nila, parang invitation ang dating nu’n!” unang hirit ng aming impormante.

Imbitasyon? Para saan? Para kanino? Sa ganu’ng paraan na ba idinadaan ang imbitasyon ngayon?

Kuwento uli ng aming source, “May mga male personalities na sadyang ipinakikita ang katawan nila sa socmed para alam n’yo na, makakuha ng attention ng mga may gustong makasama sila!

“Tanungin n’yo ang mga Boogie Wonderland, alam nila ang totoong dahilan! Invitation ang ganu’n! Parang sinasabi nila na ‘yun ang katawan na kinababaliwan ng buong bayan!

“Talagang nag-e-effort silang kunan ang katawan nila, ang mga namumutok nilang muscles, ang patung-patong nilang abs!” sultada pa uli ng aming source.

Isang kilalang matchmaker ang nagkuwento na ganu’n daw ang pinalulutang na gimik ng isang kilalang male personality. Malinaw na imbitasyon sa mundo ng mga becki ang kanyang ginagawa.

SM food to go Banner Ad

Ang sabi ng Boogie Woderland, “Naku, matagal nang ginagawa ‘yun ng isang male personality! Siya ang pinakaunang nakaisip sa ganyan! Maganda kasi ang body niya, napakakinis pa niya, kaya talagang ipinakikita niya ‘yun sa social media.

“Everyday, meron siyang post tungkol sa body niya, nagmumura ang mga abs niya, punumpuno ng pandesal ang mga braso niya! Ganu’n ang gimik niya na mukhang effective naman talaga, dahil malalaking isda ang nabibingwit niya sa dagat!

“Magaling ang male personality na ‘yun! Ano bang may pandemya, panalung-panalo pa rin ang hunk actor na ‘yun dahil sa galing niyang magbenta ng produkto niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Julia, Gerald bonus ang lambingan

Tamang panahon lang ang hinintay nina Gerald Anderson at Julia Barretto para aminin sa publiko ang matagal na nilang relasyon. Napagod na rin sila sa pagdedenay, sa pananahimik lang kapag inuusisa sila, kailangan na nilang humarap sa katotohanan.

Hindi naman nila puwedeng habampanahong itago ang pagmamahalan nila dahil hindi lang ang publiko ang kanilang niloloko kundi ang mga sarili nila.

Planado na ‘yun. Pinag-usapan na nila kung kailan sila aamin, kailangan muna nilang palamigin ang ghosting na ginawa ni Gerald kay Bea Alonzo bago sila bumigay, ganu’n lang ‘yun.

Pareho pa namang mahilig sa pagpo-post ng kanilang nararamdaman sina Gerald at Julia, hindi sila nagkakasya lang sa pag-aaylabyuhan sa telepono at habang magkasama sila, kailangan nilang ibilad sa publiko ang tamis ng kanilang pagmamahalan.

Nakawala na sila sa hawla ng pagtatago ngayon, lantaran na silang nagpapakitang magkasama at may bonus pang paglalambingan, pero mahabang panahon pa ang kailangang lumipas bago mabura sa isip ng mas nakararami na talagang nagkasabay sa buhay ng aktor sina Bea at Julia.

Tama ang komento ni Bea Alonzo, panahon ang pinakamagaling na tagapagkuwento ng anumang nagaganap, kaya abangan na lang natin ang buong katotohanan sa hinaharap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.