Abante Tonite Interactive

Aktor nangutang ng milyones sa BFF

By
5,407

Trulili na ang taong labis na tumutulong sa kagipitan ng kaibigan ay isang maaasahang tao.

In King’s language: A friend in need is a friend indeed.

Napatunayan na naman ito sa importanteng okasyon ng galanteng bff celeb.

Naubos yata sa mga pre-nup pasabog ang mga kayamanan ni actor.

Sinalat na para sa main event. Marami ang nakaligtaan. Maraming bayarin.

Isang bff, huli na nang ialigaga. Kailangan pala siya sa coverage?

Kaya hindi napaghandaan ang kanyang rest nook pati na ang matutuluyan ng glam team ng bff-mega-celeb.

Napilitan itong mag-rent ng isang maliit na kuwarto para mapagbihisan at magawa ng glam team ang kanilang work.
To the tune of one hundred thousand plus plus plus.

Si mega-bff ay maunawain kaya kahit late ang very special guest ay siya umano ang nag-pay ng tinuluyan niya.
Exclusive place kaya exorbitant talaga ang lahat.

Said na said na si ikakasal. Hindi nga nakapagbayad ang mga friends na pinautang niya ng limpak-limpak.

Kaya siya ngayon ang nangutang umano sa isang bachelor bff na mas mayaman sa kanya.

Hindi na nagtanong si beshie. Write na lang siya ng seven figure sa tsekeng pinautang.

With a big smile.
What are friends are for, ika nga. (KC Guerrero)