Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor nilayasan ng dyowa

0 115

Isang ibong pipit ang nagkuwento sa aming source na kundi lang pala nabukelya ang isang pamosong aktor ay naging malalim ang relasyon nila ng isang magandang female personality.

Sa tagal ng kanilang pagsasama sa isang palabas ay nagkadebelopan pala ang dalawa, naging saksi du’n ang kanilang mga kasamahan, pero biglang naudlot ‘yun nang may magparating sa tunay na karelasyon ng aktor.

Kuwento ng aming source, “Sino ba naman kasi ang hindi maiinlab sa girl, e, maganda na siya, sexy, matalino pa? Bulag na lang ang lalaking hindi magkakagusto sa kanya!

“Sa tagal na ng panahong magkasama sila sa taping, natural lang na nahulog na ang loob ng male personality sa magandang babae. Halatang-halata ‘yun ng mga kasamahan nila,” introng kuwento ng aming impormante.

Maasikaso sa girl ang male personality, sa van pa niya pinagpapahinga ang magandang babae kapag break nila, ganu’n katindi ang ipinakikita ng aktor sa beautiful lady.

Patuloy ng aming source, “Siyempre, hindi ‘yun aaminin ng male personality dahil meron siyang girlfriend nang matagal nang panahon! Kunwari lang, e, maasikaso siya, mabait, pero meron siyang ibang balak.

“Maraming nagbabantay sa kanilang mga kilos, simple lang ang girl, pero ang male personality, hindi maitatago ang pagkagusto sa maganda at seksing babae.

“Kaso, may naghudas sa kanila, siguradong kasamahan din nila sa serye ang nagpaabot sa girlfriend ng male personality tungkol sa mga nagaganap sa kanilang taping!

“Ayun, nagpaimbestiga ang girlfriend, may nagkuwento sa kanya na totoo ang tsismis, nahuhulog na ang boyfriend niya sa magandang girl!

“Nag-away ang magkarelasyon, lumayas sa bahay ng male personality ang babae, deny naman nang deny ang guy na totoo namang hulog na ang emosyon sa girl!

“Kung pinatos lang ng babae ang male personality, e, iba na ang kuwento ngayon. Siguradong nagkahiwalay na ang male personality at ang girlfriend niya na hanggang ngayon naman, e, pareho pang ayaw umamin sa relasyon nila!” natatawang pagtatapos ng aming impormante.

Sharon nagmura

Nambulabog si Sharon Cuneta nang ilabas ang trailer ng kanyang pelikulang “Revirginized” katambal si Marco Gumabao. Lihis na lihis kasi ang ginampanan niyang role sa pelikula.

Ang dating Megastar na napapanood nating simple lang at palagi pa ngang kinakawawa at gumaganti na lang sa bandang huli ay hindi makikita sa bago niyang pelikula.

Sa poster pa nga lang ng “Revirginized” ay nabulabog na ang publiko, trending ‘yun, dahil ipinakita ang Megastar na litaw ang mga dibdib.

Isang kilalang direktor ang nag-text sa amin, “Grabe ang dating ng movie, ibang-ibang Sharon Cuneta ang bubulaga sa screen! Nagmumura siya at meron pa siyang binitiwang linya na never niyang ginawa sa buong career niya!

“At ibang klase ang director, magaling si Darryl Yap, bagong utak, bagong atake, marami siyang pagpapahingahing direktor!” reaksiyon ng aming kausap.

Tama ang sinabi nu’n ni Sharon na kakaiba ang “Revirginized” matinding hamon ang tinanggap niya, hinubad niya ang dating imaheng meron siya dahil sa proyektong ito.

Siguradong maba-bash siya nang husto, meron na namang mga kuwentong lalabas na malayo naman sa katotohanan, pero nambulabog na ang pelikula sa trailer pa lang nito.

Nasa Amerika pa si Sharon, marami pa siyang inaasikaso du’n bago siya umuwi, pero siguradong nakarating na sa kanya ang pagkawindang ng ating mga kababayan sa bago niyang pelikula.

Isang kaibigan namin ang nagkumpara kay Sharon sa sikat na banyagang aktres na si Meryl Streep sa pelikulang “It’s Complicated.”

“Hindi namin palalampasin ang movie na ito, sobrang daring ng mga eksena at dialogues niya, isang bagong Sharon Cuneta ito!” komento pa ng aming kaibigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.